survey...
Naranasan mo na ba ang mga ito? Lagyan ng (x) ang lahat ng naangkop.
Pang-akademiko:
x bumagsak, tipong 5 points na lang, kahit nag-aral ng todo
_ na-tameme sa orals...
_ nakalimot sa oras, o araw ng orals at natandaan ito makalipas ang isang araw
x hindi nakuha ang inaasahang marka sa exam
x hindi nakatulong sa isang group work na nakakuha ng mataas na marka
x ikaw lang ang gumawa sa group work at nakakuha ng mababang marka
x dalawang exam sa isang araw kaya pinabayaan mo na yung isa, sa bandang huli, mababa (o bagsak) pareho
_ inaasahang ikaw ang Valedictorian (o kahit anong mataas na posisyon sa pagtatapos), pero sa gulat ng lahat ibang tao ang nakakuha nito
Mga Relasyon sa Iba:
_ busted (Huli ka!)
_ basted (Wag ka na!)
x hindi kayo nagkaintindihan at nauwi sa gulo
_ itim na tupa (black sheep) ka
x hindi ka naging mabuting kuya / ate sa bunso mong kapatid
x hindi ka naging mabuting bunso sa ate / kuya mo
_ nakalimutan mo ang kaarawan ng kaibigan mo, galit na kayo ngayon
x nabigo mo ang iyong kaibigan sa isang pangakong binitawan mo
x hindi na kayo nagkikita ng mga matalik mong kaibigan noong haiskul
Mga Responsibilidad:
_ tumakbo ka sa isang posisyong alam mong para sa iyo, pero hindi ka nanalo
x nanalo ka sa isang posisyon pero hindi mo nagustuhan ang mga nangyari
x natakot kang tumakbo dahil baka hindi mo kayanin, pero naisip mo matapos ang eleksyon kaya mo pala
x natakot kang tumakbo dahil takot kang ma-reject ng iba
_ ikaw ang lider ng grupo (sa org), tapos pumalpak ang inyong gawain
x tanggap ka nang tanggap ng responsibilidad, pero hindi mo nagawa lahat
_ huling pagkakataon mo para makabawi para sa kasalanan mo, pero nabigo ka
Iba pa...
x binitawan mo ang isang oportunidad, pero pinanghinayangan mo rin ng todo
x may inaasahan kang bagay na mapapasaiyo, pero hindi ito nangyari
_ may trahedya / aksidenteng maaari mong mapigilan, pero hindi mo nagawa
_ star player ka ng team, pero sumablay ka sa mga mahahalagang segundo ng laro
_ hindi mo nilagyan ng tsek ang isa sa mga tanong kahit alam mong nangyari ito sa iyo
<< Home