in the silence

Sunday, May 14, 2006

summer classes....

dalawang linggo na lang, finals week na. matatapos na rin ang summer classes ko. nakakapagod pero masaya naman ako ngayong summer. medyo hindi lang ako natutuwa sa resulta ng mga exams at quizzes ko. naiinis ako kasi kung kailan madali na ang lahat, tsaka pa ako nakakakuha ng mababang marka. nasanay na ba ako sa komplikadong pagtutur ng ibang professor kaya hindi ako makasabay kapag simple lang ang turo nila. naiintindihan ko naman ang mga lectures nila. hindi ko nga lang masagutan ng maayos ang exams kasi hindi yun yung inasahan kong ibibigay nila. ayun, kaya medyo hirap ako sa subjects ko. pero nung last exam, feeling ko magiging maganda naman ang resulta kasi naintindihan ko siya at nag-aral ako. hehehe

ano pa bang events this summer... ayun, nagmeeting na kami ng committee ko. natutuwa ako kasi masaya naman kami kahit na medyo boring akong tao. nalulungkot lang ako kasi ang dami kong nalilimutang sabihin sa kanila. tapos pinipilit kong maging organized pero ang labas niya, sabog pa rin. hindi pa ako gaanong nakakapaghanda tuwing meetings kaya medyo sabog talaga. mabuti na lang mababait sila, hindi sila nagagalit sa akin. natuwa pa ako noong nagkuwentuhan kami about issues. kasi may tiwala na sila sa akin, at alam nila na kailangan kong malaman. natuwa rin ako nung nalaman ko na alam na pa ng iba sa kanila na may mga oras na ipinagtatanggol ko sila. natuwa ako kasi pinahahalagahan nila yun. sobrang natuwa talaga ako.

next week, panibagong meeting na naman. sobrang dami naming dapat pag-usapan kaya sana maraming pumunta. God bless na lang sa akin! kaya natin ito!!!