in the silence

Wednesday, December 21, 2005

bakit????

Masaya na ako eh. Bakit kailangan pang mangyari yun. Masaya ako para sa iyo pero bakit parang nakalimutan mo nang ganun din ang nararamdaman ko para sa kanya. Feeling mo ba mas matindi ang nararamdaman mo para sa kanya? Na nagbibiro lang ako nung sinabi ko sayong gusto ko siya? Okey lang naman sa aking makinig sa mga kuwento mo tungkol sa kanya. Nagiging masaya naman ako para sa iyo. Pero bakit tuwing nagkukuwento ka, feeling ko kinalimutan mong may pagtingin rin ako para sa kanya. Nalulungkot kasi ako minsan dahil sa mga kuwento mo.

Ayan, nakinig na naman ako sa kuwento mo. At ang kuwento mong ito ang pinakanakapagpalungkot sa akin. Masaya na ako mula noong Biyernes eh. Pero tatlong araw pa lamang ang nakalipas, napapawi na ang saya. Masaya ka sa nangyari pero ako hindi. Bakit ba tuwing sumasaya ako dahil kinausap niya ako, bigla mo na lang sasabihing gumimik kayo, na nagkasama kayo ng matagal, na sabay kayong umuwi. Nalungkot ako dahil sa mga kuwento mo. Sobrang nalungkot ako kaya hanggang pag-uwi, iniisip ko pa rin ang mga nangyari.

Sana hindi mo na lang sinabi. Pero oo nga pala, ako nga pala yung pumipilit sa iyong magkuwento. Masaya naman ako kasi bukas ang loob mo sa akin. At least alam ko ang mga nangyayari sa inyong dalawa. Sa totoo lang, di naman ako nagagalit o nagtatampo sa iyo. Sino ba naman ako para magalit. Hindi mo naman kasalanan kung mas malapit siya sa iyo kaysa sa akin. Hindi ako sa iyo naiinis, naiinis ako kasi wala akong laban sa iyo. Wala akong kakayahang pantayan ka. Hindi ko lang siguro matanggap na hindi ko pa man nabubunot ang espada ko, talo na ako. Hindi ko lang matanggap ang pagkatalo...

Alam mo ba, kahit na alam kong panalo ka na, patuloy pa rin akong umaasa. Kashit na maging kaibigan ko lang siya. Basata madalas ko lang siyang makausap okey na sa akin. Mababaw lang naman ang kaligayahan ko eh. Sana kapag nakuha mo na siya nang lubusan, huwag mo siyang ipagkait sa akin. Gusto ko lang maman siyang makita at makausap. Yun lang, parang lumilipad na ako sa langit.

Libre naman ang mangarap, sasagarin ko na.....