in the silence

Sunday, June 25, 2006

i miss my block....

kakabukas ko lang ng aking multiply account. na-upload na ni cyndz yung pictures from yesterday's block outing. nalungkot ako bigla. kasama ko dapat sila kahapon pero dahil may responsibilidad akong dapat gawin, hindi ako nakasama. nilibre ni Gel ang block sa wall climbing. gusto ko sanang subukan mag-wall climbing pero dahil huling araw ng delibs, hindi ako nakapunta. inasahan ko nang mangyayari ito pero hindi ko naisip na sobrang malulungkot pala ako....

sana may isa pang pagkakataon... ayaw kong umalis si Gel nang hindi ko siya nakakasama. ayaw kong umalis siya nang hindi kami nagkakaroon ng oras para mag-usap, mag-bonding. baka matagal pa bago kami magkita ulit. sobrang naging close kami last school year. sobrang ma-mimiss ko siya.... nenjoy nung OrSem kasi kasama ko siya at iba ko pang blockmates. sa july na siya aalis, sana naman may isa pang outing. kahit hindi libre, basta makasama ko ang block. sobrang miss ko na talaga sila. hindi ko pa sila kasama sa major subjects. nakakalungkot talaga....

hindi ko na nakakasama ang block ko dahil sa pangakong binitawan ko. sobrang demanding ang daang pinili ko. sobrang daming trade-offs. ang daming kailangang isakripisyo. mabuti na lamang at gusto ko naman ang ginagawa ko at hindi naman ako sobrang napipilitan. alam ko naman ang dahilan at nakikita ko ang patutunguhan. may mga bagay pa akong dapat intindihin. may mga bagay pang malabo pero hindi naman nawawala ang interes ko sa ginagawa ko. sana lang huwag mawala ang interes ko, sa halip mas magkaroon ako ng drive, ng passion sa ginagawa ko. para mas maging maayos ang trabaho....

kahit papaano, nalulungkot pa rin ako kasi kailangan kong mamili sa dalawang bagay na sobrang gusto ko. sana hindi naman laging ganito. gusto kong mabigyan ng pantay na atensyon ang mga bagay-bagay. gusto kong mabigyan ng oras ang trabaho, mga kaibigan, pag-aaral at lalo na ang pamilya ko. sana hindi naman ako maguluhan sa priorities ko. sana hindi naman ako mabulagan sa kung ano talaga ang mas mahalaga.

yun lang naman. medyo magulo ang post na ito kasi medyo magulo rin ang isip ko. pero sana naintindihan niyo naman. hehehehe

special mention lang. dahil kayo ang pangunahing dahilan kung bakit ko naisip ang post na ito, may message ako para sa inyo...

sa mga blockmates ko, sobrang miss ko na kayo... sana labas tayo. nood ng movie, kain sa labas, punta sa tagaytay. kahit anong gawin, sasama ako. sana hindi na sumabay ang mga responsibilidad ko. kapag kailangan ko ng break kayo ang sasalo sa akin. maraming salamat sa masasayang araw na magkakasama tayo. kayo ang isa sa mga dahilan kung bakit masaya ang Ateneo life ko!!!! Go Block L2!!!