25 pesos....
nagbabasa ako ng blog ng friend ko
may isang linyang tumalab sa akin
"I'm broke na, as in super..."
wala lang
naalala ko tuloy ang nangyari sa akin kahapon
25 pesos lang ang dala ko sa school! isipin mo yun! 3 sakay para makauwi. kung kukuwentahin ang pamasahe ko araw-araw, aabot ng 50 pesos yun. o di ba! pamasahe pa lang kapos na talaga
isipin mo kung paano ako nakasurvive
inisip ko, lalabas na ang allowance. Friday na eh. kakayanin ko ito. pumunta naman ako sa cashier window 1, sabi nila wala pa daw, balik na lang daw ako sa monday ng hapon. hala! paano na iyan? tinext ko ang blockmate ko, sabi ko pahiram muna ng 100. hindi nagreply, naalala ko naiwan pala niya yung phone niya sa bahay ng BF niya at baka this weekend pa niya makuha. good luck naman di ba! parang hopeless na! at natapos ang huling klase ko. mabuti na lang nanlibre ng lunch ang blockmate ko. kaunti lang ang kinain ko kasi hindi naman ako gutom. ang iniisip ko, paano ako makakuwi?
iba't ibang ideya na ang pumasok sa utak ko. una, mag-123 na lang kaya ako? pwede pa akong magbayad sa bus, pero yung sa jeep hindi na. medyo natakot naman ako sa ideya, nahihiya kasi ako at iniisip ko kawawa naman yung driver ng jeep. pangalawa, mag-taxi na lang kaya ako? tapos sa bahay na lang ako magbabayad. kaya lang, ayaw kong sumasakay ng taxi nang mag-isa, baka kung saan pa ako dalhin ng driver kapag nakatulog ako. tapos nanghihinayang din ako sa pera. tapos naisip ko ring manghiram ng pera sa Admissions Office, kaya lang nahiya na naman ako. gulung-gulo na talaga ako. hindi ko na nga alam ang gagawin.
ayun, sabi ko sana may magbigay sa akin ng pera. at para bang sinagot ang panalangin ko, may nagbayad sa akin ng 200+! o di ba! may naipangkain na ako for dinner, may naipang-uwi pa ako!
haayyy salamat. nag-alala ang mga magulang ko. tnext ko kasi ang kapatid ko na wala akong pera. tawang-tawa ako nang makauwi. ikinuwento ko sa kanila ang lahat. hehehe buti na lang naka-survive... God will provide talaga! maraming salamat po!!!
<< Home