sa mga kaibigan ko....
ang tagal na nating hindi nagkikita. akala ko okey lang sa akin na malayo sa inyo. akala ko kahit text at tawag lang, makakaya ko nang di kayo makasama. pero bakit ngayon gusto ko na kayong makita? malapit nang mag-isang taon mula nang tayong lahat ay magkita. sana magkasama na tayong muli... sobrang miss ko na kayo. kahit na alam kong tatahimik lang ako kapag nakasama ko kayo, masisisyahan pa rin ako basta makita ko lang kayo. sa darating na bakasyon, sana magkita-kita na tayo. kahit walang mahalagang selebrasyon... kahit walang handa... kahit nakaupo lang tayo sa nakasanayan na nating tambayan. okey lang sakin yun. kahit nakaupo lang tayo at di nag-uusap, basta magkakasama tayo, sasaya na ako. sana maging masaya rin kayo kahit ganun lang ang gagawin natin.
pagpasensyahan niyo na kung hindi ako makapagsalita kapag nagkikita tayo... di ko rin kasi alam ang sasabihin eh. hindi ko masabi ang lahat ng naiisip at nararamdaman ko. sana okey lang sa inyo kahit ganito ako. sana di kayo magsawang makinig sa katahimikan ko. makinig lang kayong mabuti, baka sakaling maintindihan niyo ang mga lihim ko. di ko ginustong maging ganito. hinubog ako upang maging ganito. hindi siguro sinasadya pero ang mundong kinalakhan ko ang naging dahilan ng pagiging ganito ko. siguro, ginusto ko rin pero wag an nating problemahin yun. sana wag kayong magsawa sa akin... sana di niyo ako iwan dahil ganito ako.
ikaw! oo ikaw. dalawang linggo din tayong di nagkita... makikita kaya kita ngayon? baka nga magkita tayo pero sana pansinin mo naman ako. baka kasi siya na naman ang atupagin mo. alam ko namang malapit kayo sa isa't isa pero buong bakasyon na kayong magkausap. wala ka nang bagong masasabi sa kanya. magtititigan na lang ba kayo hanggang matunaw ang isa't isa. magtira ka naman sana ng masusulyapan ko. kahit matingnan lang kita o kaya makausap ng minsanan masaya na ako. sana huwag mo nang ipagkait sa akin ito... bagong taon naman eh..
<< Home