in the silence

Sunday, July 16, 2006

arbularyo o doktor...

pumasok ako sa iskul kahit sabado. may ipapa-photocopy kasi ako. medyo malayo ang library kaya hindi ako soon tumungo. pinuntahan ko si Ate Lita (di tunay na pangalan), ang pinaka-friendly (para sa akin) na xerox lady sa Ateneo. medyo marami yung dala ko kaya natagalan bago natapos. sa mahigit 15 minuto ng paghihintay, maraming naikuwento sa akin si ate. mula sa pagkakasakit ng anak niya hanggang sa mga arbularyo at tawas.
habang nakikinig sa mga kuwento niya naisip ko na kahit sa lungsod pala, marami pa rin ang naniniwala sa mga turo ng matatanda ukolsa tawas, lamang-lupa, atbp. naalaala ko tuloy ang turo ni sir Gealogo: hindi tuluyang nabura ng mga Kastila ang mga sinaunang paniniwala sa mga lamang-lupa, aswang, atbp. ang mga kuwento ni ate ang malinaw na patunay nito.
lumabas sa kanyang mga kuwento ang matinding paniniwala niya sa mga arbularyo. may mga panahon nga na doon muna sila kumukunsulta bago sa isang doktor. sabi niya sa akin, mabuti na lang sa arbularyo muna ako pumunta, gumaling na ang anak ko, wala pang gastos. isyu pa rin pala ito hanggang ngayon. bilang isang soon-to-be doctor, isang napakahalagang isyu nito. kung ganito ang magiging takbo ng isip ng karamihan sa mga Pilipino, hindi malabo na lumaganap ang iba't ibang sakit. may kaunti akong paggalang at paniniwal sa mga arbularyo ngunit doon lamang sa mga totoo. laganap n akasi ngayon ang mga pekeng arbularyo. nakakatakot lang na sa isang peke sila magpagamot, baka lumala pa ang karamdaman ng taong magpapagamot.
siyempre maaga pa para problemahin ko ito. concerned lang talaga ako. marami pa kayang ganito kapag nakakuha na ako ng lisensiya? ano kaya ang gagawin ko?
hehe wala lang, isa na namang magulong pagninilay....