in the silence

Friday, December 08, 2006

bago...

ngayong mga huling bahagi ng buwan, may isang tao na nagiging sentro ng aking atensyon. hindi na ito bago dahil halos kada taon naman ay nangyayari ito.

nagsimula ang lahat sa madalas na pagkikita. tulad ng mga nakaraang taon, maaga ko nang mapapansin ang pagtatangi ko sa taong iyon pero itatanggi ko pa rin na meron nga. tapos sa isang pagakkataon, mapapatindi ito. sa isang simpleng akto ng katuwaan, tatamaan ka ng katotohanang itinatangi mo siya. mula nang mangyari iyon (mahalaga ang pangayayri sapagkat ika-2 beses pa lamang nangyari yun sa buong buhay ko at unang pagkakataon na nagmula sa tunay na lalaki), lagi ko na siyang napapansin. lagi na lamang inaalam ang mga bagay na ukol sa kanya. sa mga natatanging pagkakataon, tinitingnan ang kanyang mukha, ang ngiti, ang mga larawan. binibigyan ng kahulugan ang lahat ng mga ginagawa. ang atensyong nakukuha, mga pabirong pag-akbay, ang madalas na pagkakatabi. muli na namang magpapantasya, bibigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay na tanging ako lamang ang naniniwala. nakakatawa kung paano ko itangi ang isang tao. para bang baliw ka na sa kanya at malungkot ang isang araw na hindi mo man lang siya nasilayan. ganito na ang nangyayari sa loob ng halos isang buwan. hindi ko alam kung muli na naman itong lilipas, lilipad na parang bula sa langit. ganito rin kasi ang nangyari dati. hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ito aabot ngunit sa ngayon masaya ako sa mga nangyayari. kahit na tila "one sided".

hahaha
good luck naman