in the silence

Friday, October 20, 2006

tungkol sa nakaraang semestre

nalulungkot ako at naiinis....
alam ko kasi na hindi naging maganda ang ipinakita ko ngayong semestre...
sobrang tamad ko ngayong semestreng ito...
hindi naman sa wala akong ginawa para sa iba't ibang asignatura na kinukuha ko ngayon,
hindi lamang ako natutuwa sa klase ng trabahong ginawa ko...
mas maganda sana ang nagawa ko kung nagsipag lamang ako....

ang labo nga eh
kasi alam ko na may natutunan ako pero hindi ito makikita sa gradong nakukuha ko....
ganun ba talaga yun?

pero kung iisipin grado ang iniisip nating sumusukat sa natutunan ng isang tao
pero hindi naman talaga ganun di ba?
pa'no kung nung araw ng pagsusulit, may problema yung tao...
kung alam ba talaga niya, makakasagot siya ng maayos kahit may ibang gumugulo sa isip niya?
hindi mo rin masasabi di ba?

tapos, may iba na kahit gaano kataas ang grado, hindi naman kagandahan ang ugali...
di ba mas maganda na hindi ka sobrang matalino pero may mabuti kang kalooban?

kung sa gayon, hindi magandang batayan ng kalagayan ng tao ang aknayang nalalaman
isa lamang kasi itong aspeto ng kanayang pagkatao.
isa man itong kayamanang hindi maaagaw, kung hindi naman kayang gamitin para sa iba
di ab balewala rin yun...

hahaha
kung anu-ano na ang sinusulat ko dito...
medyo depressed lang talaga ako kasi hindi mataas ang mga makukuha kong grado ngayong semestre...
pero masaya pa rin naman ako kasi marami akong naranasan at natutuhan
sana lamang magamit ko ito sa buhay ko
kasi kung hindi ko rin lang naman magagamit, balewala na ang pag-aaral ko...

naisip ko lang,
lagi ko na lang sinasabi sa simula ng semestre na babawi ako
pero sa huli, lagi ko na lang sinasabi na hindi ako natutuwa sa mga nakukuha kong grado
paulit-ulit na lang pero hindi pa rin natuto

ayun...
konting kadramahan...
hehehehe