habang kinakausap ang sarili sa loob ng chapel....
maaga akong pumasok sa paaralan upang tumambay sa computer lab
sobrang hindi na kasi ako gaanong nakapagbubukas ng internet dahil sa pag-aaral para sa exams
pero sobrang maaga pa kaya naman humanap ako ng mapaglulugaran
nakita ko ang chapel kaya naman doon an rin ako napadpad
ilang araw na rin mula nang huli akong dumaan dun
katulad ng dati, kinausap ko ulit Siya
Siya yung takbuhan ko kapag wala na talaga akong makausap na iba
nagkuwento ako sa Kanya
sinabi ko yung mga nangyari ngayong semstre at kung gaano kapangit ang performance ko
marami kaming napag-usapan
marami akong ipinagpasalamat, at marami rin akong hiniling sa Kanya
habang nagkukuwentuhan kami, may biglang pumasok sa isip ko
hindi ko alam kung paano at bakit pero napaisip talaga ako ng tanong na ito....
bakit napakadaling lumihis ng landas pero napakahirap itong balikan?
para bang kapag gumawa ka ng kamalian, mahirap bumalik sa tamang gawi
para bang kapag naligaw ka, mahirap nang balikan yung dinaanan mo dati
para bang kapag lumipas na, mahirap ng ungkatin ulit
hindi ako sobrang nakapag-isip ukol dito
medyo may kailangan pa kasi akong asikasuhin
abangan niyo sa mga susunod na entries ang mga pagmumuni ko ukol sa katanungang ito
maraming salamat sa pilosopiya... natututuhan ko na ngayong mag-isip
<< Home