namimilosopiya o nag-iisip sa meron....
ngayong semestreng ito, kinukuha ko ang kursong Pilosopiya ng Tao II
ito ang ikalawang kurso ko sa Pilosopiya
ukol sa pagkalimot at pag-uulit ang tinatalakay namin sa klase
kahapon, tinanong ako ng aking ama
"itutuloy mo ba ang med school? hindi ka ba mapapagod mag-aral?"
pagkarinig ko sa tanong, inisip ko na hindi ako sigurado sa kinabukasan. hindi ko alam kung may mga mangyayari sa hinaharap na makakapagpapabago sa pagnanais kong maging doktor. sa ngayon, lahat ng nakikita ko sa paligid ko ay nagpapatindi sa pagnanais kong tumuloy sa med school. hindi ko na pinag-isipan pa ito dahil may kailangan akong gawin.
kaninang umaga, habang naglalakad sa loob ng unibersidad, naalaala ko ang tanong na ito.
patungo ako sa klase ko sa Pilosopiya kaya naman ang utak ko ay dito na patungo
naisip ko lamang....
mapapagod ba akong mag-aral?
kung mangyayari ito, pagod na rin akong matuto. bakit ako mapapagod matuto? dahil alam ko na ang lahat o kaya naman ay ayaw ko nang makaalam pa, sapat na ang nalalaman ko ngayon? kung gayon, hindi na ako nagpapakatao. tinatalikuran ko na ang dapat an ginagawa ng tao. nagmamayabang na ako. umiiral na sa akin ang katamaran. kung hihinto akong mag-aral, maki-alam, umunawa, hindi na ako tao. para na akong isang karaniwang hayop o halaman na pinagmamasdan ang daan ng mga pangyayari nang walang pag-uunawa. ngunit di ba't likas sa tao ang umunawa? ito ang natatanging kaibhan niya sa iba pang nilalang sa mundo. kung ganun ba, imposibleng huminto ang tao sa pag-aaral, sa pakiki-alam, sa pag-uunawa? hindi ko alam. hindi ko pa ito napag-iisipan ng mabuti..
hahaha
ano ang silbi ng isinulat kong ito?
hindi ako tiyak
isinulat ko lamang kung ano ang pumasok sa isip ko kaninang umaga habang naglalakad sa loob ng unibersidad.
sa susunod ko na marahil maitutuloy ito
nasa sa inyo na kung babasahin niyo pa iyon...
<< Home