in the silence

Saturday, December 09, 2006

hula....

noong nakaraang sembreak, nagkita-kita ulit kami ng high school barkada ko.
ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita
nagpunta kaming Laguna at nag-swimming
masaya ako kasi nakasama ko ulit sila. nakaka-miss talaga ang mga yun.
hindi pa rin sila nagbago. medyo mature nang kumilos pero isip bata pa rin kung minsan.
kaya nagkakasundo kami eh. kasi ganun din ako.
ayun. dahil hindi nga kami nagbago
(huwag nating haluan ng pamimilosopiya ito, may nagbago pero 'wag na nating pasukin pa ito)
ginawa pa rin namin ang nakagawian na tuwing nagkikita kami:
namely: maglaro, kuhaan ng litrato, kwentuhan tungkol sa love life, asaran, kulitan at manghula

yup, tama ang huli mong nabasa
may manghuhula kasi sa barakada ko
may natatangi siyang kakayahan na sumilip sa nakaraan at hinaharap
sa totoo lang hindi ako gaanong naniniwala sa mga hula
pero ang mga hula nitong kaibigan ko, lagi talagang tumatama
ang madalas naman niyang hulaan ay ukol sa pamilya, pag-ibig at buhay

buong barkada nagpapahula sa kanya
bahagi na ito nang nakagawian namin
ang nahula sa akin, hindi ukol sa pag-ibig
basta magakkaroon daw ako ng problema
hindi ako naniwala sa bahaging iyon
pero iniisip ko na kung ano kayang suliranin ang makakaharap ko at sobrang bigat nito
yung bandang huling bahagi ng hula ang medyo nagkatotoo

tinanong ko kasi kung may kaka-issue ako bago matapos ang taon
at tingnan mo nga naman ang hinula sa akin ay meron
at akalain mo bang magkatotoo
hehehe wala lang
ayun...
hindi naman siya ganun kaseryoso
natatawa lang ako sa sarili ko kung paano ko bigyan ng paliwanag ang mga bagay-bagay
hehehehe

wag mo na akong pansinin
may sayad ako ngayon kahit hindi halata
medyo naguguluhan kasi ako sa mundo
sabog eh... may focus pero yung focus na yun iba sa gusto kong bigyang-pansin
hindi naman sa ayaw ko nang ginagawa ko. gusto ko ito
pero alam ko na may iba pa akong dapat asikasuhin na tila nalilimutan ko dahil sa ginagawa ko
kailangan ko na bang huminto?
pero gusto ko talagang kumanta...
ito na ang paraan ko nang pagbibigay-ligaya ngayong pasko

sana lang di ko mapabayaan ang iba
mahalaga rin sila
ang sasabihin ng iba, higit pa silang mahalaga....

haaaayyyyyy..................