malamig ang simoy ng hangin....
hindi ito senti. hindi rin ako nagdadrama. nagsasabi lamang ako ng talagang nangyayari...
sobrang lamig sa quezon city. hindi ko tiyak kung ganito sa lahat ng bahagi pero sa mga napupuntahan ko, namely Katipunan and Novaliches area, sobrang lamig talaga. higit na malamig kaysa noong Nobyembre at Disyembre! lahat ng tao nakasuot ng sweater, jacket o kaya naman ay maraming layers ng damit. feeling ko tuloy nahuli ng dating ang pasko.
malamig na nga, dagdagan mo pa ng malakas na ihip ng hangin. sobrang lamig at sobrang mahangin. lahat ng tao nakahalukipkip. nagtataka tuloy ako kapag nakakakita ako ng taong naka-sando o kaya naman ay sleeveless na damit. hindi ba nila nararamdaman ang lamig?
malulungkot ba ako o maiinis? sa totoo lang masaya ako. ganito ang gusto kong panahon. masarap maglakad kapag ganito. hindi ka maiinitan at hindi ka rin mapapagod kaagad. masarap din pumasok ng maaga. higit na tahimik at mararamdaman mo ang kakaibang kapayapaan.
hindi ko lubos na alam kung bakit napapasaya ako ng malamig na panahon, ng hangin, ng ulan, ng gabi.... basta masaya ako....
ayun... humaba pa ang kwento. ang gusto ko lang naman sabihin ay.... hanggang pebrero 14 pa daw ang ganitong panahon sa kalakhang maynila.
masaya ako!!!
<< Home