in the silence

Saturday, July 07, 2007

wikang Filipino

natutuwa ako sa wikang Filipino
napakayaman nito
sa pamamagitan nito, naipapahayag mo ang iyong sarili
sa isang paraang kakaiba
mayaman sa kahulugan, sa karanasan
masasalamin ang damdamin sa uri ng salitang gagamitin

hindi ako dati natutuwa sa Filipino
mahilig akong magbasa ng mga akda
ngunit ang ilan sa mga ginagawa namin sa asignaturang ito
ay ginagawa ko lamang dahil kailangan

ngunit matapos ang mahigit sa tatlong taon sa kolehiyo
nagkaroon ako ng isang malalim na pagpapahalaga dito
sabihin na nating minahal ko ang wika ko
higit ko nang naipahahayag ang sarili ko sa wikang Filipino
may damdamin na sa bawat salita
hindi katulad dati na ginagamit ko lamang ito dahil ito ang kinalakhan ko
ang kinagisnan kong wika
bawat sambit ng salita sa wikang Filipino
iba't ibang imahe ang pumapasok sa isip ko
mga karanasan, mga napag-usapan sa klase
ang kasaysayan, mga akda, pilosopiya
ang lahat ng ito nilalaman ng mga salita
malalim, puno ng karanasan

natutuwa ako
dahil nagkaroon ako ng ganitong pag-uunawa
na nabuksan ang pinto patungo sa ganitong pagtingin sa wika
utang ko ito sa lahat ng mga naging guro ko
Bb. Oris, G. Jamendang, G. Bacobo, G. Gealogo, G. Lagliva
hindi man ako nadalian sa kursong itinuturo ninyo
marami akong natutuhan
maraming salamat po!