bagong simula....
kababawan part 2...
bahagya nang humupa ang kadramahan ko...
sinisimulan ko nang hanapin ang mga awiting nawala sa akin
3 pa lamang ang nakuha ko
mahaba-haba pa itong trabaho pero kakayanin ko
walang mangyayari kung isisisi ko lamang ito sa iba
kailangan kong kumilos
sana matapos ko ito kaagad para masaya
ayan... napapangiti na ulit ako
kahit na muling nagbalik ang mga alalahanin ko dahil sa pangyayaring ito...
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
sa palagay ko, emotionally imbalanced ako
pabagu-bago kasi ang nararamdaman ko
masaya ako tapos bigla akong malulungkot kapag may naalaala ako
natatakot ako kasi baka makaapekto ito sa trabaho ko
natatakot din ako na ito ang maging hadlang sa pagnanais kong makatulong
sana hindi naman
kailangan ko lang talaga ng makakausap
iyong seryosong usapan
tao na makikinig sa akin
isang tao na hindi magbabago ang tingin sa akin matapos niyang marinig ang lahat
isang tao na masasabihan ko ng lahat at hindi ako makararamdam ng kaba o hiya
sana dumating ka na...
kailangan kita...
(parang masama na ito... depressed ako...)
~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.~.
umiral na naman ang kalabuan ko...
bahagya akong natuwa kasi nagpadala ako ng mensahe sa "kanya"
nag-reply siya
pauwi pa lamang siya sa bahay nila
sana maging ligtas at payapa ang biyahe niya
ayun lang... napapangiti ako sa tuwing naaalaala kita
maraming salamat sa iyo... sa inyo
minsan... nasasabi ko ito... "you keep me sane"
<< Home