naiinis ako sa sarili ko....
kamusta naman ang buhay natin di ba
ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong panghihinayang at inis sa sarili
inis kasi ang dami nang ipinagkaloob sa aking pagkakataon
pero hindi ko ginagamit
hinahayaan ko na lamang lumipas
tapos madalas akong magkamali ng desisyon
at madalas may mga mabibigat na kapalit ang mga pagkakamaling ito
pasensya na
hindi ko lang talaga mapatawad ang sarili ko sa ginawa ko kanina
kasi naman alam ko namang mas kaya ko kapag Filipino ang ginamit at hindi Ingles
pero pinili kong gamitin ang wikang banyaga
sabi ko subok lang, at nais ko rin namang malaman kung kaya ko
isa kasi akong baliw kaya naman napakaganda naman talaga ng pinili kong panahon
sa huling pagsusulit na pabigkas ko pa naisipang sumubok ng bago
grabe naman talaga, kakaiba talaga ang takbo ng utak ko
depress-depressan tuloy ang drama ko kanina
nanghihinayang kasi ang dami kong gustong sabihin
pero dahil hindi ko gamay ang wikang ginamit ko
ayun, limitado ang nasabi ko, hindi ko pa naipaliwanag ng maayos ang punto ko
wehehehe
kamusta naman talaga yun....
at ito pa, alam ko kasing naghanda ako
kahit na kanina ko lamang tinapos ang sagot ko sa mga tesis o punto
alam ko sa sarili kong naunawaan ko ang mga puntong iyon
pero hindi ko alam ang sabog ko talaga kanina
hindi ko alam kung ano ang bumagsak sa akin
pero wala talaga ako sa tamang kondisyon
lumilipad ang utak ko
pero marami naman akong nasabing matino,
sana lang talaga naintindihan ako ng guro ko
at nagustuhan naman niya yung mga sinabi ko
waaahhhh!!!!
pero umaaasa pa rin ako
kapag naging ok naman ang resulta eh di masaya
kapag hindi, kailangan kong tanggapin ang pagkakamali ko
sana talaga hindi ko na ulitin ito sa susunod na semestre
gusto kong magDL ulit sa pinakahuling semestre ko sa pamantasan
wehehehe sana lang di ba
kung gugustuhin ko
dapat gawin ko
kaya ko ito....
<< Home