pagwawala....
may nag-alok sa iyo
isang natatanging pagkakataon
iilan lang ang nabibiyayaan, talaga namang isang karangalan
alam mong daan ito tungo sa mga pangarap mo, na makatutulong sa iyo ito
gusto mong tanggapin ang alok pero nag-aalangan ka
nangangamba para sa mga iiwan mo
tinanong mo sila kung ano ang opinyon nila
para malaman mo kung paano ka kikilos
gusto ko na sanang sumagot
ayaw kitang umalis
marami akong naiisip na dahilan
paano na ang responsibilidad mo?
ano nang mangyayari kapag umalis ka?
sino ang magpapatuloy ng mga nasimulan mo?
panibagong mga proseso na naman
kailangan ang presensya mo, mahalaga yun para sa kanila
higit na mabuting nakikita ka nila
na kasama ka sa anumang nais nilang maaabot
pero hindi ko naibigay ang mga dahilang ito
naisip ko kasi, ayaw kitang makulong
hindi ka lang naman dito tutubo
maaaring higit na makatutulong sa'yo kung tumuloy ka
hindi rin naman hihinto ang mundo kapag nawala ka
makapagpapatuloy pa rin ang mga tao
kailangan talaga ng kaunting pagbabago, pero makakaraos din
hindi mo naman kailangang isuko ang mga pangarap mo para sa iba
siyempre masama na yun
pero ayaw kong tumuloy ka
itinatanggi ko pa rin yun
pero hindi ko sinasabi
kapag napag-uusapan, ngumingiti lang ako
nakikitawa
payag na kasi sila sa gusto mo
gusto nilang matuloy ka
masaya sila para sa iyo
pero bakit ako?
gusto ko rin namang maabot mo ang mga pangarap mo
pero bakit itinatanggi ko yun?
sa totoo lang, nalulungkot kasi ako
hindi ko maisip na aalis ka na
na hindi kita makikita nang napakatagal na panahon
na hindi ko maririnig ang boses mo
hindi ko maisip na sa huling tatlong buwan na posible kitang makasama
ni anino mo hindi ko makikita
naiinis ako kasi parang ninakaw sa akin ang pagkakataon
anim na buwan na nga lang kita makakasama
babawasan pa ng tatlong buwan
alam ko namang magkakahiwalay din tayo sa huli
nalulungkot lang ako kasi sobrang napaaga
hindi ko maisip na paggising ko
haharapin ko ang katotohanang hindi kita makikita
sana kasi kung makakausap pa rin kita
sana kung may karapatan akong makipag-ugnayan pa rin sa iyo
kaya lang parang wala ako sa lugar para laging mag-text, mag-email
umiiral na naman ang pagkamakasarili ko
hindi naman ako madalas na ganito
kahit ano nga kaya kong ibigay para sa mga minamahal ko sa buhay
pero bakit sa pagkakataong ito, nagdaramot ako
ayaw kong ibigay sa iyo ang alam kong gusto mo
alam kong mali na ipagkait sa iyo ang pagkakataong magpaypay
isa itong kilos ng pagwawala
pero di ko mapigil ang sarili ko
nahihirapan ako, pero wala naman akong karapatan
desidido akong lagpasan ang pagkamakasarili kong ito
kailangan ko lang talaga ng panahon
pero hinahabol ako ng oras
sa loob ng linggong ito, malalaman ko na kung tutuloy ka
kung anuman ang maging desisyon mo
sige, hahayaan kita
hindi maluwag sa loob ko pero kailangan kong gawin
ang hiling ko lang...
sana hayaan mo akong makasama ka bago ka umalis
maihatid ka hanggang sumakay ng eroplano
gusto kong makita ka
hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko
ok lang kahit di mo ako kausapin o pansinin
ok lang kahit sila ang pagtuunan mo ng atensyon
basta andun ako
para ipakita sa'yo ang suporta ko
haayyy
noong lunes pa ako ganito
nakakainis kasi wala talaga akong karapatan
wala talaga....
<< Home