mga katanungang hinahanapan ng sagot....
bakit ba ganun ang buhay...
kung ano pa ang mahirap makuha, siya pang mabilis mawala
kung ano yung mabilis makuha siya namang mahirap tanggalin
bakit kung ano ang pilit mong nilalayuan, pilit mong iniiwanan, siya pang pilit humahabol sa'yo
sinusubukan mong kumawala pero ayaw kang pakawalan...
pahirap sa buhay ang pag-alaala sa masasakit na karanasan, sa madilim na kahapon,
sa mga luhang tumulo, sa mga taong umalis, sa mga panahong nawala, sa lahat ng kalungkutan at sakit...
pero kung ano pa yung nagpapahirap sa iyo,
siya pang mahirap malimutan, siya pang patuloy na naaalaala at binabalikan
<< Home