..............
natatandaan ko noong magsimula kami
kapapasok pa lang namin, ang dami na agad nakahain sa lamesa
ang dami na agad problema na dapat asikasuhin
may mga isyu pa na dapat ayusin
inupuan na agad namin ito
sinubukang ayusin
kahit kami mismo maraming problema sa aming mga sarili
may mga isyu sa isa't isa
pero itinuloy namin
hindi lang kasi kami ang kasangkot dito, may iba pang kasama
sa pagpasok ng unang semestre, masaya, maayos naman ang lahat
naroon ang tuwa sa bawat mukha, naroon ang libog para sa ginagawa
natuwa ako, magiging maayos ang lahat
sa pagdaan ng mga araw pabagu-bago ang panahon
ang iba nawawala
pero sa huli, nariyan pa rin sila, may inasikaso lang na iba
pero bumabalik sila, yun ang mahalaga
pero nawala ang mga ngiti, nabawasan ang libog
marahil may magsasabi pa nga na dumami ang mga isyu
pagdating ng sembreak
nagpatuloy ang "lungkot", naroon pa rin ang libog pero malaki na ang nabawas
hindi ko na nakikita yung tuwa sa mga mukha ng kasama ko
naroon ang mga masasayang oras, pero kapag naghiwa-hiwalay na
nararamdaman kong nawawala ang saya at bumabalik ang lahat ng problema
na hindi sapat ang maikling panahon ng tawanan
na sa huli, kailangan naming harapin ang lahat ng isyu at problema
iniisip ko kung paano nangyari ang lahat ng ito?
kailan ba ito nagsimula? paano ba ito lumala ng ganito?
wala akong maisip na konkretong sagot
para itong maliit na butas sa damit
hindi pinansin dahil maliit lang
ngunit sa patuloy na paggamit, sa patuloy na paglinis sa damit
sa patuloy na hindi pagpansin sa maliit na butas na iyon
lumaki ito hanggang sa hindi na maiiwasang pansinin ito ng nagsusuot
sa pagpasok ng ikalawang semestre
mabigat ang lahat, nararamdaman kong mabigat talaga
pero umaasa pa rin akong may magagawa tayo dito
naniniwala ako sa inyo, sa atin
naniniwala akong hindi kayo mawawalan ng pag-asa
minsan kasi kayo na rin ang pinagkakapitan ko eh
sa mga panahong iniisip ko nang ihinto ang lahat
isa kayo sa mga rason ko para magpatuloy
pero sa paglipas ng mga araw
unti-unti kayong nagtatago
nariyan pa rin kayo pero nagtatago
may masasabi ba ako? wala akong masabi
tulad ng ibang mga pagkakataon, ang nagagawa ko lang ay manahimik
wala naman kasi akong maisip sabihin
kukumbindihin ko ba kayo? ano ang mga rason na sasabihin ko sa inyo?
magkakaiba kasi tayo ng pinangagalingan, magkakaiba tayo ng sitwasyon
lagi na lang ito ang sinasabi ko pero ganito talaga ako
mahalaga sa akin ang pinangagalingan niyo
baka mamaya sa isang bagay na sasabihin ko, nasasaktan na pala kayo
nalulungkot ako sa mga nangyayari sa atin
naiiyak ako sa mga nangyayari sa atin
hindi ko alam ang gagawin
hindi ko alam ang sasabihin
hindi ko alam kung paano mapagagaan ang mga dalahin ninyo
sinusubukan kong pumunta sa lahat
maging present sa lahat ng gagawin natin
para kung sakali mang kailangan niyo ng kahit sino, naroon ako para sumalo tumulong sa paraang alam ko
yun lang kasi ang alam kong paraan para iparamdam sa inyong hindi kayo nag-iisa
iparamdam sa inyo ang suporta
mapag-uusapan pa ba natin ito?
sana talaga
ayaw kong maghiwa-hiwalay tayo nang may samaan ng loob
nang hindi naaayos ang lahat
hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa atin
pero patuloy pa rin akong kakapit
kayo na ang bahala kung saan tayo makararating....
<< Home