in the silence

Friday, November 09, 2007

napaisip lang ako...

may nagpakamatay na bata sa probinsiya. Dahil daw sa kahirapan. Ano kaya ang nasa isip ng batang yun nung isabit niya ang sarili niya? Nauunawaan na kaya niya ang ma implikasyon ng gagawin niyang yun? Alam na ba niya kung ano yung magiging epekto nito sa mga nakapaligid sa kanya? Bakit kaya siya nagpakamatay? Dahil ayaw niya nang maging dagdag na pasanin ng mga magulang niya? O dahil ayaw na niyang maranasan ang hirap at sumuko na siya sa kawalang pag-asa? Ano ba ang umaandar sa murang isipan ng batang yun? Bilang isang bata, puno pa dapat siya ng tuwa at pag-asa. Pero siya ang unang bumigay. Kakaiba talaga. Ganoon na ba kalagim ang mundo? Na kahit pangarap ng mga batang musmos nabura na nila? Nakakalungkot....

ukol sa kahirapan....
"What is a trashcan?"

to a toddler, it's just a shelf of his ugly toys
to a pupil, it's where he keeps his bad test papers
to a teenager, it's a basketcase for the letters of an ex-lover
to a writer, it is a file of rejected drafts

but to a street child, with a trashcan...
so goes life....