panibagong buhay...
tapos na ang tatlong modules
tapos na ang limang mahabang pagsusulit
tapos na ang apat na histo at wet lab sessions
tapos na ang apat na SGDs
mahigit sa dalawang buwang nakakabangag na lectures sa klase
ilang beses na akong nabigo...
mga pagsusulit na akala ko mataas pero hindi pala
mga sagot na akala ko tama pero mali pala
ilang beses na akong nagkamali, ilang beses na akong bumagsak
dahil dito, maraming beses na akong pinanghinaan ng loob
ilang beses ko nang tinanong kung dapat ba talaga akong tumuloy sa med
kung ito nga ba talaga ang dapat kong ginagawa
pero ngayon, pinipili kong bumangon
nais kong isipin at paniwalaang desidido na talaga akong pagbutihan ang lahat
na buo ang loob kong babawi ako sa lahat ng mga naging pagkukulang ko noong nakaraan
tama na ang reklamo
tama na ang pagsasabing hindi maganda ang sitwasyon
tama na ang pagbibigay ng rason sa katamaran
hindi ang sitwasyon ko ngayon ang makikibagay sa akin
AKO ang dapat na makibagay
AKO ang dapat pumili at magdesisyon na magbago para mabuhay sa kinalalagyan ko ngayon
bukas haharapin ko na ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay med school ko
makikilala ko na ang "taong" magtuturo sa akin buong taon
ang "taong" magiging bahagi ng mga natitirang buwan ko sa YL5
siya ang daan para matuto ako
sana magkatulungan kami...
AKO ang bubuo ng kinabukasan ko dito
AKO ang kikilos para matuto
kailangan ko pa rin ng tulong at gabay ng iba
pero sa huli, kailangan ko pa ring magdesisyon
magdesisyon at kumilos upang gamitin sa tama ang lahat ng tulong at gabay na nakukuha ko
gusto ko nang magbagong buhay
hindi na uubra ang dati kong istilo sa pag-aaral
kailangan ko talagang kumilos ngayon na, bago pa mahuli ang lahat...
dear God, tulungan niyo po ako....
di ko po ito kaya ng magisa...
<< Home