mga kaibigan sa paaralan....
hindi ko man gustuhin, hindi maipagkakailang nakararamdam na ako ng pagkailang at pagkagulo ng isipan. hindi ko alam kung ano ako sa buhay mo ngayon. hindi ko alam kung saan lulugar. hindi ko na tiyak kung paano kikilos sa ilang mga pagkakataon. alam ko namang hindi ko siya kayang pantayan, limang taon din ang pinagsamahan niyo. pero minsan kasi pakiramdam ko panakip-butas lang ako. na kasama lang kita dahil hindi ka na niya sinasamahan. sa totoo lang ok lang naman sa akin. gusto ko rin namang makatulong. pero kasi kapag bigla siyang andyan, hinahayaan ko na lang kayo. pero may di pagkapalagay akong nararamdaman. para bang naguguluhan ako kung tama ba o hindi ang ginagawa ko. tapos parang ang dating pa sa iba nating kasama, lumalayo ako sa tuwing dumadating siya. hindi ko naman gustong sarilinin ka. hindi ako ganung tipo. gusto ko lang malaman kung ano ba ako sa iyo ngayon. sana hindi mo lang ako sinasamahan dahil wala siya. nalulungkot ako kapag iniisip ko yun. at nalulungkot akong isipin na baka naggagamitan lang tayo, na nakikinabang tayo sa pagkukulang ng isa't isa, na nakikinabang tayo sa mga pangangailang nating dalawa. hindi ko naman ito sobrang pinoproblema, may mga panahon lang talagang di ko maiwasang isipin ito. tinatanggal ko naman ito agad sa kamalayan ko, umaasa pa rin naman akong tunay na pagkakaibigan ang namamagitan sa grupo natin. sana lang hanggang sa katapusan na ito. sana kayo ang mga maging sandalan ko hanggang sa dulo. marami na rin kasi ang itinaya ko dito, di ko alam kung ano gagawin kapag nawala kayo. kung sakali mang mangyari iyon, makakabangon ako marahil pero kulang na....
wala lang, gusto ko lang ilabas para di ko na sobrang isipin....
<< Home