in the silence

Friday, July 18, 2008

1st cell module exam

hindi ako handa
hindi ko natapos ang pag-aaral ng notes ko at maging ang trans
naiinis ako kasi nabasa ko nga ang mga libro (boyer, stryer at berne) pero hindi ko siya sobrang inaral
sinubukan kong unawain ang lahat pero hindi ko sobrang naaral, yung tipong tinandaan ko yung terms

pumunta ako sa exam na ang baon lamang ay stock knowledge
hindi ko alam kung ano ang aasahan

dahil dito, sobrang sabog ko sa exam
pakiramdam ko tama ang mga sagot ko
pero noong feedback na, nanlumo na lamang ako sa mga tamang sagot na ibinigay sa amin
alam kong alam ko na iyon ang sagot
pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi iyon ang isinagot ko
may item pa nga na hindi ko na pinalitan ang sagot ko kasi tinatamad ako
napakabuting mag-aaral talaga
tapos may bahagi pa na sobrang careless ko
hindi ko napansin na may EXCEPT palang nakasulat
ayun, mga 6 na items na agad ang mali ko

nakakainis na nakakaiyak talaga
sobrang lungkot at pagkadismaya sa sarili ang naramdaman ko matapos ang pagsusulit
ok lang sana kung hindi ako nag-aral at wala talaga akong alam
pero meron eh, sobrang sabog ko lang talaga

sana lang hindi isipin ng mga nagpapaaral sa akin na wala akong patutunguhan
kaya gusto kong bumawi sa mga susunod pang pagsusulit
mabuti nang ngayon ako nagpakasabog, para magising ako
mabuti na lamang at ok naman ang exams ko sa P&P at P&H modules
kailangan ko lang taasan sa huling cell module exam
hindi na ako maaaring bumaba
hindi ko na hahayaang maging sabog ang exams ko
maraming nakasalalay dito
maraming masasayang, ayaw kong biguin ang lahat, ayaw kong biguin ang sarili ko

kaya ko ito
dear God tulungan niyo po ako...