sa wakas....
pagkalipas ng napakahabang panahon nakapagbukas na rin ako ng blog ko
at dahil napakatagal kong di nakapagsulat, marami siguro akong isususulat
kaso nga lang sa dami ng nangyari sa akin sa nagdaang taon hindi ko na alam kung alin ang ilalagay dito...
simulan na lang natin sa mga huling nangyari sa akin
siyempre, ang pinakaunang pumasok sa isip ko ay ang pag-alis MO
oo, ikaw nga
noong disyembre ko lang nalaman na aalis ka pala sa pebrero
hindi ka man lang nagsabi
masaya ako nung araw na yun, dapat pala mas nilasap ko pa ang mga oras na yung kasama ka
yun na pala ang magiging huli nating pagkikita
pinagdasal ko na sana, sana lang talaga magsabi ka naman kapag aalis ka na
kaso bigla ka na lang nawala
nalaman ko na lang na tatlong araw na pala mula nung umalis ka
hindi man lang ako nakapagpaalam
hindi man lang kita nakausap bago ka umalis
hindi man lang kita nakita
nalungkot ako kasi hindi ka nagsabi
pero naisip ko, bakit ka naman magpapaalam sa akin
sino ba naman ako di ba
sa dami ng ginagawa natin pareho pakiramdam ko mahirap nang isingit sa schedule mo ang mga despedida o anumang uri ng pormal na pagpapaalam
kaya umalis ka na lang bigla....
kanina, bumalik ako sa unibersidad
bago magala-sais ng umaga nasa Katipunan na ako
nang makita ko ang mga lugar na dati kong pinupuntahan
hindi ko napigilang malungkot, muntik na nga akong umiyak eh
tapos nang maalala kong hindi naman kita posibleng makita sa muling pagbisita ko, mas lalo akong nalungkot at muntik ko nang di mapigilan ang pagluha
iniisip ko kung dahil lang sa pagiging emo ko ngayon o ganun talaga ako nalungkot sa pag-alis mo
basta ayun, naisip lang kita ngayong araw na ito
at sa marami pang beses mula nung malaman kong wala ka na
kailan kaya tayo ulit magkikita niyan
pagbalik mo sino ka na, makikilala pa ba kita
hindi na ata kita kayang abutin nun
napakalayo na ng narating mo at pakiramdam ko di na kita kayang sabayan
sana pagbalik mo kilala mo pa naman ako
at kaya mo pang tagalan ang ugali ko
sana kahit papaano, namimiss mo rin ang presensya ko
kahit napakaliit na pagpapahalaga lang talaga
ito lang ang hinihiling ko
siyempre napakabigat ng mga hinihiling ko di ba
hahahaha nakakatawa naman talaga
wala ka na nga, nagdadrama pa ako....
sunod naman, hindi ko na alam
ayun pala... may isa na namang taong mahalaga sa akin ang posibleng umalis
yung mentor ko sa paaralan, ang gumagabay at nagsisilbing kasama ko sa aking paglalakbay
malapit na kasi siyang ma-ordina bilang isang ganap na pari
at kapag nangyari yun, hindi niya tiyak kung saan siya madedestino
kapag inilipat siya sa labas ng siyudad, malamang talaga mapapalitan siya
ayaw kong mangyari yun
maliban sa isa na naman yung panibagong pakikipagkilala sa isang bagong tao
napalapit na rin kasi ako sa "kuya" ko
magaan na ang loob ko sa kanya kaya nga nakapagkukuwento na rin ako eh
nakapaglalabas na rin ako ng mga saloobin ko sa kanya
sa kabila ng pagsasala ko ng mga bagay na sasabihin, minsan talaga nabubulalas ko na lang kung ano talaga yung mga bagay na gusto kong ibahagi
sana talaga hindi na siya mapalitan
kanina nga naganap ang huling session namin para sa taong ito
maikli lang ang naging pag-uusap namin at nang umalis ako nagpasalamat ako sa kanya
pero nung nakaalis na ako, naisip kong baka yun na ang huli naming pagkikita
at hindi ko man lang nilasap ang pagkakataong yun
hindi ko man lang naiparating kung gaano ako nagpapasalamat sa kanya
sobrang naguilty talaga ako kaya gusto ko sanang bumalik kaso nahiya ako
dahil dun, nagtext na lang ako sa kanya
kaso pakiramdam ko hindi pa sapat yun eh
iniisip ko ngang pumunta sa araw ng pagordina sa kanya,
bilang simbolo man lang ng pasasalamat ko
gusto ko sana siyang yakapin ng mahigpit at magpasalamat sa paggabay niya
kaso nga lang, iniisip ko kasing hindi ata tama yun
magkaiba kasi kami ng estado sa buhay at tiyak namang hindi ata magiging magandang tingnan kung ang isang babae ay yumayakap sa isang ganap na pari
ayun, nalulungkot lang akong isipin na may posibilidad na hindi na siya ang makikita kong naghihintay sa akin tuwing mentoring session sa eskuwelahan...
lahat ng kadramahan ko ngayon tungkol sa pag-alis ng mga tao
kakaiba, bihira akong magdrama sa mga ganitong bagay...
ayun, sa kabilang banda
marami pa naman akong ibang iniisip
isa na dito yung pangangailangan kong kumawala muna at muling buuin ang pundasyon ko
pakiramdam ko kasi napakahina ng pundasyon ko
para bang sa napakaliit na stress mula sa labas, maaari itong gumuho ng walang pasabi
nakakatakot kapag nangyari yun kasi baka di ko na magawan ng paraan ang mga bagay2x
kailangan ko lang ng panahon para mag-isip at pagnilayan ang mga naganap ngayong buong taon na ito
sobrang yaman kasi ng karanasan, sobrang nabago talaga ang takbo ng buhay ko
lalo na ang pagtingin ko sa mundo at sa iba't ibang mga bagay na bumubuo nito
kailangan ko lang tingnan ang lahat ng ito at pagnilayan ang ugnayan ng mga bagay2x
kung papaano ako pumapasok sa buong larawan nito
sana magawa ko ito bago pa man magsimula ang ikalawang taon ko
mahirap na kasi
naisulat ko nga noong isang araw, ang kailangan ko: SELF RENEWAL
gusto ko nga sanang pumunta doon sa alumni retreat
kaso nga lang wala ata akong pera para dun, libo din kasi ang kakailanganin ko eh...
naalala ko noong nakaraang taon sa Senior's retreat,
nakarating ako sa Baguio na ang tanging dala ay 200Php
at nabuhay naman ako sa halagang yun sa loob ng 7 araw
hehehehe wala lang
pagdating sa pag-aaral
napakadami kong masasabi
hindi sapat ang oras na meron ako ngayon para balikan ang lahat ng nangyari
sa susunod na lang siguro..........