nawala sa sarili....
kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng 9-11 tragedy sa Estados Unidos
naganap ang isa na namang kaguluhan
kaya nga lang, hindi sangkot dito ang maraming tao
ginamit lamang itong paglalarawan ng isa kong kaibigan sa nasaksihan nila kanina
nagulat sila, nagulat din ako sa naging reaksyon ko sa mga pangyayari
dulot ng pinaghalong lakas ng hormonal imbalance at stress
ayun, tila sumabog ang bulkan...
gabi pa lang, mainit na talaga ang ulo ko
naging dahilan pa nga ito para hindi ko gawin ang dapat kong ginawa
sa inis ko, ibinaling ko ang aking atensyon sa ibang bagay na hindi pa naman gaanong kailangan
nang pumasok ako sa unibersidad, higit pang nadagdagan ang inis ko dahil sa mga sumunod na pangyayari
sunud-sunod talaga, at ang taong sangkot tila hindi nararamdaman ang inis na nararamdaman ko
ito ang unang pagkakataong nakaramdam ako ng ganitong inis sa loob ng mahigit sa walong buwan
kadalasan kasi naiinis ako sa sarili ko
tulad ng ibang mga pagkakataon, naluha ako sa inis
ito ang paraan ko upang ilabas ang nararamdaman
hindi ko kayang sabihin sa taong sangkot ang nararamdaman ko kaya iniiyak ko na lamang
nagpapasalamat ako at naiintindihan ako ng mga kaibigan ko
naroon sila para kalmahin ako at suportahan
ang inaalala ko na lamang ay ang relasyon ko sa taong nasasangkot
natatakot akong hindi na bumalik ang dati naming ugnayan
may nangyari na kasi, hindi na mababago pa yun...
patawad...
hindi ko nakayanang panghawakan ang sarili ko
tunay akong nawala sa sarili....
<< Home