in the silence

Wednesday, January 12, 2005

Untitled Version#1

upang magkaroon na kaunting pagbabago sa blog na ito....
narito ang isang tula....
kung sino man ang makabasa nito....
sana'y maibigan ninyo....

Untitled Version#1

Kay tahimik
Walang ingay
Ako'y nakatitig
Anino'y lumalapit
Sa tabi ko'y naupo
Di ko nakita
Di ko narinig
Siya ay lumapit
Nagsalita, nakipag-usap
Mundo'y huminto
Oras ay tumigil
Walang ingay
Lahat ay tahimik
Siya'y tumayo, umalis
Magandang buhok
Maputing kutis
Maayos na tindig
Nakatutuwang ugali
Mukha'y malabo
Hindi nakita
Walang narinig
Ika'y umalis, wala na
Ako'y nagising, gumalaw
Tumayo, umiyak, sumigaw
Walang narinig
Ang paligid ay tahimik
Sa tabi ay may naiwan
Kinuha, tiningnan, tumakbo
Mabilis, tiyak
Ngunit walang makita
Walang ingay, tahimik
Nakahabol din!
Magandang buhok
Maputing kutis
Maayos na tindig
Nakatutuwang ugali
Muli ay nakita
Pinigil, nahawakan
Kamay ay mainit
Lumingon, tiningnan
Tumitig sa anyong nasa harapan
Walang ingay
Nakita ang dahilan
Isang gapos
Lumayo, tumakbo, di lumingon
Sa tenga'y naririnig
Katagang "Hintay", "Sandali"
Tumakbo, lumuha, nanghina
Bumagsak, wala na
Tahimik ang paligid
Walang ingay, walang makikita
Sa gitna ng dilim
Isang bula ang lumulutang
Nagpapadala sa hangin
Kailangang kumawala sa gapos ng damdamin
Pumaitaas, pumutok, maglaho
Magandang buhok
Maputing kutis
Maayos na tindig
Nakatutuwang ugali
Siya'y tumatakbo, naghahanap
Hindi pa rin makita
Sa gitna ng dilim
May isang liwanag
Naghihintay, nakayuko, tahimik
Lumapit, naupo sa tabi
Tinangkang mag-usap
Ang gapos ay humigpit
Pilit hinatak, inalis
Bulang lumulutang
Unti-unting tumataas
Kailangan nang kumawala
Kailangan....