GR, ang aking pinakamamahal na tambayan....
bilang na ang mga araw na pinakamamahal kong GR....
ito ay dahil papalitan na ang Colayco Hall
nakalulungkot mang iwan ang silid na ito
kailangan ding tanggapin ang mga pagbabago na dala ng buhay....
ngayon, muling balikan ang mga alaalang nakabalot sa GR....
(ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga di ko malilimutang karanasan sa silid na ito....)
1) unang sulyap sa GR.... araw ng interview with Talk n' Text
2) mga unang araw sa Gabay.... pagpuno sa Sig Sheet....
3) unang tambay sa GR....
4) araw na ako ay natutong maglaro ng Bridge....
5) mga araw ng walang-sawang paglalaro ng Bridge noong unang semestre....
6) di mabilang na araw ng pagsusulat sa EdOP at Igknights logbook....
7) mga tahimik na umaga, kung kailan di pa ganoon kadami ang tumatambay....
8) mga tanghaling pilit na nagsisiksikan ang higit sa sampung Gabayano sa loob ng maliit na silid....
9) mga araw ng paghanap at paghabol sa nakawalang puting daga ni K. Gep....
10) mga magkahalong amoy ng pagkain, pabango at iba pa tuwing tanghali hanggang hapon....
11) ang malaking computer sa tapat ng bintana na hindi ko pa nakitang gumana....
12) mga Gabayanong natutulog ng nakaupo at nakahiga....
13) mga Gabayanong pilit na pinagsasabay ang pag-aaral at pakikisaya sa mga kasamahan....
14) mga Gabayanong nagdadala ng tanghalian sa loob ng silid ngunit lumalabas ng wala pa sa kalahati ang nakain (nakihati kasi ang ibang Gabayano hehehehehe)....
15) ang walang katapusang pagtugtog ng gitara at keyboards....
16) ang matatamis na tinig ng mga Gabayano tuwing may pagsasanay ng mga choir at carolers..
17) ang mahinang tunog na nagmumula sa nag-iisang bentilador na nagbibigay hangin sa buong silid....
18) ang napakagandang "view" ng hacienda (kasama ang mga karagdagang effects ng papalubog na araw, nalalaglag na dahon at mahinang ihip ng hangin)....
19) ang mga senti moments kasama ang tugtog sa radyo noong mga Angkan Week....
20) ang nakatutuwang disenyo ng silid noong Angkan Week....
21) ang di maubos-ubos na Gabay shirt....
22) ang mga lumang logbook na di malaman kung ano ang gagawin....
23) ang mataas na silyang umiikot....
24) ang gitara na madalas maubos ang chords (laging napipigtas)....
25) ang mga libro ng 1001 Songs....
26) mga nagkalat na librong di mo malaman kung sino ang may-ari....
27) ang cabinet na pinaglalagyan ng mga bag ng Gabayano (na madalas hindi sapat dahil sa dami ng mga nakatambay)....
28) ang kahoy na silya sa labas ng silid kung saan maaari ka ring maupo kung ayaw mong makipagsiksikan sa loob....
29) ang tawanan ng mga Gabayano kahit na may long exams o papers pang ipapasa....
30) ang mga biruan at kulitan na walang pinipiling oras at pagkakataon....
31) ang mga plaque of recognition at trophies na napanalunan ng Gabay noong mga nakaraang taon...
32) ang mga nakatutuwang videos na kinunan sa loob at labas ng silid....
33) ang mga araw ng pagtambay hanggang ika-7 ng gabi....
34) ang mga pagpupulong ng Yabag at iba pang mga komite....
35) mga araw na hindi maaaring tumambay pero nagagawa pa ring tumakas ng ilan (gusto talagang tumambay, gagawin ang lahat makatambay lang)....
36) pagbibigay ng sample long exams....
37) paghihintay sa mga taong dumating noong EdOp planning at Igknights overnight....
38) paglilinis ng silid tuwing nakatakda ang komite o ang angkan....
39) mga araw na nagkakatabi kami ni @&%#&^@!%# at pareho kami ng kulay ng suot na damit..
40) at syempre ang mga oras na kasama ko ang mga Gabayano, mga taong nagsilbing dahilan ko upang magpatuloy sa pagpupursigi at pagtataya kahit na mahirap....
ang mga alaalang ito ay wala pa sa kalahati ng mga karanasang lagi kong maaalala sa tuwing maririnig ang Gabay Room....
ang GR ay nagsilbing isang tambayan, kainan, tulugan, laruan, pahingahan.... isang tahanan na mahirap mapalitan....
ngayong nakatakdang malayo mula sa akin ang silid na ito....
nakararamdam ako ng kaunting kalungkutan at pangungulila....
tunay ngang makakasama ko pa ang mga taong madalas tumambay dito ngunit, ang silid na ito ay nagkaroon na ng mahalagang bahagi sa aking pagkatao na mahirap ng tanggalin kahit na kami ay bigyan pa ng panibagong silid....
ilang araw na lamang.... tuluyan nang mawawala ang mga natitirang bakas ng aking nakagisnang tahanan....
ngayon pa lamang ay unti-unti nang nawawala ang mga kagamitan na dati'y nagsisiksikan sa loob ng silid na ito....
nawa'y manatili lahat ng mga alaalang pinagsaluhan sa loob nito....
ag mga ito ay babaunin sa pansamantalang paglipat sa Matteo....
ang bago nating lilipatan ay tiyak na magiging isang bagong gabay room....
isang bagong tahanan dahil ang tahanang ito ay wala naman sa istrukturang ating pinaglalagian kundi ito ay nasa bawat isang gabayano....
sa bawat ng araw ng pagsasama... sa tawanan, iyakan at pagharap sa pagsubok.... hinding-hindi mawawala ang tunay na GR....
<< Home