in the silence

Sunday, January 08, 2006

ang aking Pasko....

dapat noong Pasko pa ito napost pero nakalimutan ko. at least hindi malungkot ang post na ito, ang lungkot kasi ng mga nakaraang post ko eh.....
________________________________________________________________________________________________

Ang saya-saya ko ngayong Pasko!

Mula nang magsimula ang buwan ng Disyembre, di ko man lang nadama yung kasiyahan at kasabikan na nadarama ko noong bata pa ako. Kahit na ilang bahay na ang napuntahan ko para magcaroling, di ko pa rin lubusang nadama ang Pasko. Akala ko magiging malungkot na naman ang Paskong ito. Pero nagbago ang lahat pagsapit ng Noche Buena. Wala naman kami gaanong handa. Naubos na kasi sa operasyon ni kuya yung naipon ng mga magulang ko. Tinapay, Ham (buti na lang may nagbigay sa amin ), isang maliit na kahon ng keso at spaghetti (bigay ng tita ko) ang mga handa namin noong Pasko. Madami na ito kung ikukumpara sa ibang pamilya na wala gaanong makain tuwing Pasko.

Habang inaantay naming magkakapatid ang pagsapit ng hatinggabi, nanood muna kami ng TV. Maraming TV specials tuwing ganitong mga araw kaya di naman kami nahirapang humanap ng mapapanood. Parang nagbalik ako sa aking kabataan. Pinanood namin ang Treehouse Hostage at Snow White. Ang saya manood ng TV kapag bakasyon. Hindi ka nag-aalala sa oras kasi wala namang pasok kinabukasan.

Pagkatapos manood, Pasko na! Cellphone naman ang sunod naming inatupag. Binati namin lahat ng mga kakilala namin. Nakakalungkot lang kasi naubos ang load ko kaya hindi ko na-text lahat ng mga kakilala ko. Pero sinigurado ko namang nabati ko lahat ng pinakamahahalagang tao sa buhay ko.

Pagkatapos magbatian, nagkainan naman kami. Kahit kaunti lang ang handa, masaya na kami kasi buo ang pamilya. Ang daming kuwento at biruan habang kumakain. Ang mga oras na tulad nun ang pinakagusto ko sa lahat. Hindi pa ubos ang pagkain pero busog na kaming lahat, inaantok na rin kasi kami kaya gusto na naming magpahinga. Pero bago matulog, siyempre bigayan muna ng mga regalo. Ngayong Pasko, nagulat ako kasi ang dami kong nakuhang mga regalo. Akala ko kasi habang tumatanda ka, nababawasan din ang mga regalong nakukuha mo. Pero napatunayan ng Paskong ito na mali ako. Isa sa mga di ko malilimutang pangyayari nung gabing iyon ay nang ibigay na sa akin ng kuya ko ang kanyang regalo. Kasi ang binigay niya sa aking unan ay ako rin ang bumili! Sabi niya sa akin para kay mama yun pero para pala sa akin yun. Di na kasi siya nakalabas ng bahay mula nang maoperahan siya kaya ako na lamang ang pinabili niya ng mga regalo.

Sobrang saya talaga ng Paskong ito. Ang pamilya ko lamang pala ang makakapagpasaya sa akin. Naging masaya ang malungkot kong Paskong....