lonely.....
last friday, kumain ulit ako ng mag-isa sa secret lunch place ko. walang taong dumadaan dun kaya malaya akong gawin ang kahit ano. lumipad sa kung saan ang isip ko.
iba na naman ang putaheng kinakain ko. bakit ba wala na akong magustuhan sa mga pagkain sa cafeteria? lahat naman siguro sila masarap.. nakakbusog.. pero wala yung hinahanap ko. hindi ko nararamdaman yung satisfaction. busog ako pero hindi ako satisfied. parang may kulang. hindi naman ganito dati. lagi akong masaya pagkatapos kong kumain....
tapos. ayun! bigla na lang pumasok sa isip ko.... baka naman kaya walang sarap ang pagkain dahil wala akong kasama habang kumakain. ngayong college ko lang natikman ang buhay na walang kasabay kumain. nung high school kasi lagi kong kasama ang barkada ko. (na-miss ko tuloy sila). pero ngayon medyo hiwa-hiwalay na. nung 1st two years lagi kong kasama ang blockmates / orgmates ko pero dahil sobrang busy ng buhay, hindi ko na sila gaanong nakakasama. ayun nga, napagtanto ko na ang mga kaibigang nakakasama ko pagkain ang secret ingrdient. sila ang nagpapasarap sa kahit anong pagkain. kaya pala nung high school. kahit hindi ganoon kasarap ang lunch namin satisfied ako kasi kasama ko sila.
sa susunod, kakain na ako kasama ng mga kaibigan ko...
sinong kaibigan.......... ;c
<< Home