in the silence

Monday, September 04, 2006

ang ID ko....

hahahaha
may nakakatawang nangyari
maagang natapos ang dev bio lab dahil long exam namin ngayon
pagkatapos kong magpaphotocopy ng handouts sa dev bio lec, pumunta ako sa MVP-CSL
aantayin ko sana ang scholar namin kaya lang gusto ko nang umuwi at mag-aral
kaya ibinilin ko na lamang siya sa isang kaibigan
naisip kong dumaan muna sa computer lab para mag-neopets
nakapasok na ako nang malaman kong nawawala ang ID ko
mabilis akong lumabas kasi baka hulihin ako ng guard...
ayaw ko nang ma-hold order

binalikan ko ang dinaanan ko...
Kostka Hall, wala
EDSA walk, wala
Gonzaga Hall, wala
Cafeteria, wala
Walkway, wala
SECA, wala
locker at washroom, wala
habang nanaglalakad sa SEC Walkway, may nakita akong guard
feeling ko mahuhuli na ako kasi nakatingin siya sa akin
tumingin ako sa logbook na hawak niya
napansin ko na may hawak siyang ID
tila kamukha ng ID ko
naglakas-loob akong lapitan ang guard
sabi ko "May nakita po ba kayong ID?"
ipinakita niya ang ID na napulot niya
sa akin iyon!siyempre ibinalik niya sa akin
hindi na niya ako pinapirma kasi hindi naman niya ako nahuli, ako ang lumapit sa kanya
hahahaha
kakatawasiyempre masaya ako kasi hindi ko na ito kailangan pang problemahin

sige na
may exam pa ako bukas
good luck na lang!!!