nagbabago...
noong nakaraang linggo, nag-uusap kami ng blockmate ko tungkol sa mga gusaling ipinapatayo sa Ateneo. noong pumasok kami dito (SY 2004-2005), walang bagong-tayong gusali ngunit nang sumunod na taon sunud-sunod na ang pagpapatayo ng mga bagong imprastraktura sa unibersidad. kasabay ito ng biglaang pagdami ng mga mag-aaral na nakapapasa sa ACET at nagdesisyong pumasaok sa Ateneo.
naisip ko tuloy, ang batch namin ay nakasaksi ng isang pagbabago ng panahon. sabi ng blockmate ko parang "isang era ang natapos at sinundan ito ng isang bago". noong unang taon namin sa Ateneo, parang luma pa, tahimik, wala gaanong tao, hindi masikip. pero nang pumasok ang SY 2005-2006, nag-iba ang lahat. may mga sinirang gusali na pinalitan ng isang higit na malaking gusali, may mga bakanteng lote na tinayuan ng iba't ibang imprastraktura. para bang ang biglaang pagtatayo ng mga imprastrakturang ito ay hudyat ng isang pagbabago. ng isang shift sa panahon. para bang mula sa primitibo tungo sa urbanisado.
nauunawaan ko naman na ginawa ito ng unibersidad upang mabigyan ng higit na magandang serbisyo ang mga taong dumadating dito. upang ma-acommodate ang dumadaming mag-aaral. nagbabago ang unibersidad kasabay ng nagbabagong mundi.
nalulungkot lang ako dahil kasabay ng pagbabago ay ang pagkasira ng kalikasan. tila nababawasan ang mga lugar para sa mga halaman habang ang mga bakanteng lote ay nilalagyan ng mga gusali atbp. marahil dahil ito sa malaking pagpapahalaga ko sa mga halaman ngunit sana'y hindi dumating ang panahon na mapuno na ng mga konkretong imprastraktura ang Ateneo. sana'y mapanatili nito ang mga wildlife reservation at iba pang lugar na puno ng "buhay", mha halaman at hayop.
hahaha mula sa pag-uusap namin ng blockmat eko, kung saan na nakarating ito. malabo man akong magsulat, seryoso ako sa punto ko....
<< Home