stressed out...
ayan ang nararamdaman ko ngayon...
feeling ko nag-iisa ako at walang nakakarinig sa akin...
alam ko na nariyan si God sa tabi ko pero sa ngayon kailangan ko ng isang tao na makakatulong physically
overwhelmed ako na hindi
ang dami kong dapat gawin
for the first time nga may hindi ako sinunod na deadline
naiinis ako kasi yung subject pa na yun yung medyo hindi ko nagugustuhan ang performance ko
ang dami ngang gagawin
hindi ko alam kung alin ang uunahain
dahil hindi ko alam, wala akong nasisimulan
medyo nagiging malabo na rin ang mga bagay na dapat kong i-prioritize
nakakalungkot kasi kung kailan malapit nang matapos ang lahat
tsaka pa ako nakaramdam ng ganitong kakulangan
kakulangan sa sarili, kakulangan sa mga ginagawa ko
kung kailan malapit nang matapos ang sem
tsaka pa ako nagsesenti dahil alam ko na hindi ko nagawa ang dapat kong gawin
ang labo ng mga tao
bakit sila ganun
kung kailan kailangan ko sila tsaka naman sila nawawala
kung kailan hindi ko na kaya ng mag-isa, tsaka pa sila nawalan ng gana
bakit naman ganyan?
hindi ko naman sila masisi kasi pinagod ko ata sila dati
madami na ba akong pinagawa sa inyo? sorry
hindi ko sinasadya.. sa susunod susubukan kong ayusin ang pagkakahati ng trabaho
pero maraming salamat kasi alam ko namang sa huli, andyan pa rin kayo naghihintay ng tawag ko
oo nga, kasalanan ko rin talaga
kasi naman hindi ko kayo sinasabihan
lagi ko kasing iniisip na kasalanan ko kung bakit huli na ang isang bagay
kaya ayaw kong iasa sa inyo
feeling ko kasi ipinapasa ko kung ano mang problema yung nilikha ko
kaya lang sana nag-initiate kayo
sana man lang nagtanong kayo
kasi kung nagtanong kayo ok na sa akin yun
kahit na madalas sinasabi ko sa inyong ok lang
basta magtanong kayo ok na sa akin... nasisiyahan na ako kasi may effort kayong magtanong
na alamin kung may magagawa kayo
encouragement na sa akin yun
dun palang may nagawa na talaga kayo....
i need all of you right now
iparamdam niyo lang na handa pa rin kayong tumulong
na nariyan pa rin kayo sa tabi ko
sana nararamdaman niyong kailangan ko kayo
hindi kasi ako yung tipong nagdadrama sa harap ng tao
yung tipong sasabihin sa inyo nang harapan kung ano yung gusto kong sabihin
sana maramdaman niyo
alam ko mahirap kasi wirdo ako
pero umaasa ako...
iparamdam niyo naman na nariyan pa kayo....
sorry.... nagdadrama lang po...
pagod at walang makausap....
<< Home