in the silence

Tuesday, October 10, 2006

ang bumubuhay sa akin....

noong nakaraang biyernes, tiningnan ko ang laman ng lalagyan ko...
500 pesos...
may lakad pa ako bukas. may isang linggo pa ng klase. paano ko pagkakasyahin ang 500 piso?

pagbaba ko, binigyan ako ni mama ng 150. sabi ko sa sarili ko buti na lang!. hindi na ako kumain pa sa labas dahil gusto ko ngang matipid ang pera ko. pero hindi rin paal ako makakatipid. kailangan ko kasing magpa-load. marami kasi akong itetext na mga tao.

pagdating ng lunes, may 400+ pa ako. sabi ko, good luck an lang sa akin... halos 50 pesos ang pamasahe araw-araw. kung limang araw 250 pesos yun. tapos may mga kailangan pang ipa-photocopy, mga kailangang bayaran at bilhin. grabe talaga. wala na akong pera para sa pagkain...

sa ngayon.. ang bumubuhay na lamang sa akin ay ang aking food allowance. kung wala ito, hindi na siguro ako nakakakain ng tanghalian at nakakapag-uwi ng pagkain sa pamilya ko. sobrang nagpapasalamat talaga ako at nakuha ko ito. kahit na binawasan na nila, OK lang at least meron pa rin.

ayun.. gusto ko lang talagang magpasalamat sa mga taong sumusuporta sa akin
kung wala kayo, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon...

maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!!!!