philo orals
1st philo orals ko kahapon
hindi siya naging maganda. sa palagay ko sobrang babaw ng pagtalakay na ginawa ko sa thesis statement na iyon. hindi ko naman alam kung ok na ba ang paliwanag ko o hindi. kasi naman, hindi nagsasalita si sir kung ok ba o hindi. hindi rin naman siya tumatango o umiiling. basta andun lang siya nakikinig, nagtatanong ng kaunti pero nagtatanong lang.
nalulungkot tuloy ako. kasi bababa yung inaalagaan kong A sa 1st written long exam. gusto kong maka-A sa Philo... pero dahil sa oral exam.. hindi na ata mangyayari yun. hindi naman kasi ako marunong mag-oral exam. ang mga oral exam ko puro sa bio.. eh dun may tiyak kang sasabihin at may tiyak an hinhanap ang mga guro mo. pero sa philo, walang katiyakan. napag-usapan man ito sa klase. hindi pa rin sapat. dapat na unawain mo pa, bigyan ng sariling paliwanag. natatakot ako...
pero sana, magbigay siya ng komento. para naman matuto ako sa mga pagkakamalil ko. mas okey kasi yung sinasabi sa iyo kung ano yung mali, kung ano yung dapat baguhin. wag lang yung sasabihin sa iyo na may mali... ano nga yung mali?
hehehe
ayun
o much for the philo oral exam
hell week ko
pero hindi ko gaanong ramdam...
baliw...
<< Home