in the silence
walang boses....
literal ito.
wala akong boses.
as in walang tunog na lumalabas.
unang beses na nangyari ito sa akin.
dati kasi napapaos lang ako pero ngayon wala talaga.
dapat kasi hindi na ako kumanta kahapon.
lalo tuloy nawala ang boses ko.
ayun.
ang hirap tuloy.
lalo na sa jeep.
hindi marinig ng driver ang sinasabi ko.
good luck na lang mamayang delibs.
sana lang marinig nila ako di ba hehehe
nakatutuwa ka talaga....
maraming mga bagay ang hinahanap ng mga babae sa mga lalaki
karamihan ay mapili
kapag may isang nawawala, hindi nila sasagutin ang manliligaw
pero kapag tinamaan naman sila ng pana ni cupido
lahat ng mga pamantayan nila ay naglalaho
tulad ng ibang babae, may mga pamantayan din ako
ngunit hindi iyon ang nais kong pag-usapan
ang mga ilalagay ko dito ay ang mga bagay na kinatutuwaan ko sa isang lalaki
mga bagay na nagiging dahilan ng pagtatangi ko sa kanila
hindi naman kailangang nasa kanya ang lahat ng ito para mapansin ko siya
sa totoo lang kahit sino ata napapansin ko eh
negatibo man ang nakikita ko sa kanila
ayun... narito na ang mga katangiang kinatutuwaan ko
- magaling tumugtog ng gitara / drums
- marunong umawit
- marunong sumayaw
- malalim ang pagkatao (para opposite kami) pero may itinatagong kababawan
- makulit in a good way
- nerd (hahahaha)
- sweet in his own way
- chubby pero hindi mataba / tama lang (hindi sobrang laki ng muscles)
- malinis at maayos
- clean hair cut / lagi ring maayos tingnan
- between snow white to dark complexion (kayumanggi hehehe)
- malinis ang toe nails
- marunong magluto
- magaling magsulat at maganda ang sulat (based on my own criteria)
- rocker / punk (depende ito)
- may sense of style (kasi ako wala hehehe)
- cute in a certain, unique way
- cute ang smile
- maganda ang ngipin
- makuwento
- siyempre mabait at thoughtful
hahaha ang dami
hindi pa lahat yan
maraming, marami pa
ang dami ko kasing dahilan para magustuhan ang isang tao
paghahanap....
matagal na kitang hinahanap
nung una akala ko nakita na kita
pero nabulag lamang pala ako ng aking pagkabata at kawalang-kaalaman
sinubukan ko muling papaniwalain ang sarili kong nahanap na kita
pero hindi epektibo, sa dulo'y nasasaktan lamang ako
at ako rin ang lumalayo
bakit ba ang hirap mong hanapin
minsan naiisip ko tuloy kung meron ba talagang nakalaan para sa akin
kung darating ba ang panahong mahahanap rin kita
minsan naiisip ko na baka dumating ka na pero hindi ko napansin
kaya ayun, iniisip ko pa ring hindi pa kita nahahanap
hindi naman ako nalulungkot dahil hindi ka pa nagpapakita
may mga panahon lamang na nararamdaman ko ang pangungulila
alam ko na hindi tunay ang nadarama kong kakulangan
sapagkat wala naman talagang kulang, buo ako
ikaw lamang ang gagabay sa aking tumubo pa
na lagpasan ang mga hangganan
kailan ba talaga kita makikita?
inaamin kong hindi pa ako handa
at hindi magiging maganda kung dumating ka sa panahong ito
pero hindi ko maiwasan
gusto na kitang mahanap, pero hindi pa panahon....
naguguluhan na tuloy ako minsan
kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko
kung anu-ano na ang pinapantasya ko
kung kani-kanino ko ibinabaling ang aking atensyon
sa pag-asang magpaparamdam ka sa akin
pero wala talaga
ang lahat ay nagiging malamig na bato pagkalipas ng ilang linggo
may ilang tumatagal ngunit ang mga motibasyon ay wala sa tamang daan
kaya naman hindi dapat isiping ikaw na yun
sana kapag nagpakita ka, magparamdam ka naman
hindi kasi ako magaling sa pakiramdaman
laging mali ang mga hinuha ko, laging taliwas sa katotohanan
ginugulo mo talaga ako
sa mga oras na wala akong ginagawa
ikaw ang naiisip ko
kailan ka ba talaga magpapakita?
dusa sa likod ng ligaya...
matagal ko na kayong kasama
madalas kayong masaya, bibo, aktibo
ngunit may mga oras na nakikita ko kayong pagod at malungkot
madalas akong mapaisip kapag nakikita ko kayong ganito
nakakaramdam ako ng lungkot
kasi anuman ang dinadala niyo, hindi niyo sinasabi sa akin
wala tuloy akong magawa
madalas kong itanong sa sarili ko kung ano ang nagpapahirap sa inyo
alam ko na hindi makabubuti kung mag-uusisa ako
kaya naman nanahimik lang ako
naghihintay na kayo ang magbahagi nito
minsan, kapag hindi ko na mapigilan
tinatanong ko kayo, "OK ka lang ba?"
sumasagot naman kayo ng tapat... hindi nga kayo OK
pero hindi niyo pa rin ibinabahagi kung ano ang nagdudulot ng pagkabalisang ito
noong nakaraang araw, dininig ang tahimik kong pag-uusisa
lahat kayo nagbahagi
sinabi niyo kung ano ang problema niyo
sinabi niyo kug bakit hindi niyo ito ibinabahagi dati
ngayong alam ko na....
wala naman akong magawa para makatulong
ang tanging aksyon na nagawa ko ay ang ipanalangin kayo
na malagpasan ninyo ang mga pagsubok na ito
na hindi kayo bumigay at mawalan ng pag-asa
may tiwala ako sa inyo at naniniwala akong malalagpasan niyo iyan
hindi Niya kayo pababayaan
hanga ako sa inyo... saludo ako
mabigat man ang dinadala niyo
may panahon pa rin kayong ngumiti
magsabog ng ligaya sa mundo
ibahagi sa iba ang anumang kaligayahang maibabahagi ninyo
maraming salamat...
grades....
masaya ako na malungkot...
nakuha ko na kasi ang mga grado ko para sa nakaraang semestre...
mas mataas siya sa pessimistic predictions ko at mas mababa naman sa optimistic predictions...
masaya ako dahil...
- may na-A akong subject (kahit isa lang)
- wala akong grade lower than B
- more than 3 ang QPI ko
malungkot ako dahil...
- hindi ko na-A ang philo
- alam ko na kung pinagbutihan ko lang at hindi ako naging tamad, mas mataas ang nakuha ko
- hindi ako DL (kulang na naman ng 0.03)
gayunman...
ang nakaraang semestre ay mas nakakaangat sa mga semestreng nakakuha ako ng DL grades....
may mga bagay na nakahihigit pa sa pagkakaroon ng matataas na marka....