eleksyon...
kahapon, mayroon akong klase sa political science. propesor ko si G. Kikuyu (di tunay na pangalan) at isa siyang manggagawa sa senado. ang paksa para sa araw na iyon ay ukol sa "personalistic politics" na umiiral sa bansa. mula dito ay nakarating ang aming usapan sa mga kasalukuyang pangyayari sa bansa. mula sa Cha-Cha hanggang sa hakbang na ginawa ng Mababang Kapulungan. Ngayon na lamang ako ulit nakasama sa isang diskusyon ukol sa politika kaya naman nabigla na lamang ako sa layo ng narating ng isyung ito. nakakalungkot isipin na ganito na ang nangyayari sa bansa dahil sa politika. gayunpaman, may mga dahilan ako upang magalak....
1) nalaman ko na marami pa ring mga Atenista ang may kaalaman sa mga nagaganap sa bansa. hindi nakakulong sa kanilang mga sariling buhay. ang gusto ko lamang ay may gawin sila, kami sa mga nangyayari. hindi yung hanggang salita na lamang o komento ukol sa iba't ibang isyu. kailangang kumilos, ipahayag ang pagtanggi, ang di pakikiisa sa mga maling gawain (radikal na ito...)
2) may pag-asa pa. marami pang tao ang may nais ng pagbabago. marami pang naniniwala na may pagbabagong magagwa kung gugustuhin lamang at sa tamang paraan. hangga't may naniniwala may pag-asa. gaya nga ng sabi ng isa kong kaibigan "yung mga nakikita kong mali, yun yung nagiging dahilan ko para manatili, para magpatuloy, para subukan pang magawan ng solusyon, ng pagbabago...."
3) pumasok na sa sistema ko ang katotohanang isa na akong botante. na may karapatan at responsibilidad na akong bumoto sa susunod na eleksyon. mahirap ito sapagkat kailangan kong maging mapili. hindi pwede ang basta boto lang kung sino ang nandyan. sana talaga mapangatawanan ko na hanggang sa dulo, matatalo man ang gusto ko, iboboto ko pa rin siya....
4) napatunayan kong may interes din ako sa pulitika. dati, ang dahilan ko kung bakit ayaw ko maging isang lawyer ay sa kadahilanang wala akong interes sa politika at mga pagtatalo. ngayon, alam ko na hindi ito katotohanan. habang nagkakaroon nga ng diskusyon sa klase, bigla ko na lamang naitanong sa sarili ko, "parang gusto kong mag-law o kaya ay tumakbo sa isang posisyon. may magagawa kaya ako?"
5) simple lang ito. lalo kong napatunayan sa sarili ko na masaya ang hindi lumiliban sa klase. hindi mo kasi alam kung kailan may bigla na lamang mapag-uusapan na maaaring magpabago sa lahat. masaya ako dahil hindi ko nakagawiang lumiban (hehehehe)
ayun... ang dami kong napagtanto dahil sa klaseng iyon. masaya ako dahil pumunta ako sa klaseng iyon. masaya ako dahil si G. Kikuyu ang naging guro ko. nagpapasalamat ako dahil marami akong natututunan sa unibersidad na pinasukan ko. hehehe
<< Home