mga nangyari kahapon....
magpaparehistro dapat kami ng kaibigan ko sa city hall. malapit na kasi ang eleksyon at deadline na ng pagpaparehistro sa huling araw ng Disyembre. sa kasamaang palad, pagdating namin doon napag-alaman namin na hindi pala maaaring magparehisto kapag araw ng biyernes, linggo hanggang huwebes lang pala pwede. umuwi na lamang kami ng kaibigan ko....
~~~~~~~~
pumunta ako sa mall pagkagaling sa city hall. mamimili dapat ako ng damit at pangregalo sa mga kakilala ko. ilang oras din akong paikot-ikot doon ngunit wala ako gaanong nabili. una, wala ako gaanong pera at karamihan ng mga nagugustuhan ko ay may kamahalan. ikalawa, wala talaga akong makita na magandang ipangregalo ngayong pasko. naisip ko na ngang pumunta na lamang sa Divisoria o kaya naman ay sa Marikina Riverbanks tiangge kaya lang wala akong oras para gawin iyon. medyo marami pa kasi akong kailangang gawin. sa kabila nito, masaya ako kasi love ko ang body spray na nabili ko sa Zen Zest hehehe la lang
~~~~~~~~
nang nasa mall na ako may nakatatawang pangyayari. tumawid ako ng skyway para tumungo sa annex. tapos, may isang guard na biglang nagpakita sa akin. alam mo ba ang naging reflex ko? tiningnan ko kaagad kung may suot akong ID. haha sobrang naisip ko kaagad siya pagkakita ko doon sa guard. grabe talaga, parang bahagi na ng sistema ko ang pagsusuot ng ID hehehehehe
~~~~~~~~
caroling night kahapon. masaya ako kasi maganda ang pagkaka-kanta namin at nakapunta naman kami sa apat na bahay. nakakainis lang ng kaunti kasi may bara sa lalamunan ko kaya naman ayaw pumasok ng hangin tuwing may humming kasi na gagawin. gumagaralgal tuloy ang labas. hehehe sana mamaya hindi na ganito....
~~~~~~~~
masaya ako kasi kasama ko siya at umawit uli kami ng magkasama. super cute niya kahapon with burgundy-colored polo, slacks and all. hahaha la lang nakalulungkot nga lang nang kaunti dahil nalaman kong one-sided lang talaga ito dahil nang isiwalat ang tungkol sa isyu, hindi naman niya ito gaanong pinansin. sabi ko rin wala lang yun. hahahaha labo ko talaga....
~~~~~~~~
1st time ko ulit magsuot ng palda. after ilang buwan. ok naman ang feeling. naninibago lang ako kasi parang ang pa-girl ko kahapon. may hikaw na nga pala ako ulit. hindi na siya nagsusugat. buti na lang silver na talaga yung nabili sa akin. yey! yey! hehehe natuwa...
~~~~~~~~
ayun lang naman
masaya ako na malungkot
medyo pagod din kasi hanggang ngayon di pa rin ako nakakapagpahinga ng maayos
pero ok lang, gusto ko naman ang ginagawa ko
at kasama ko naman ang mga gusto kong makatrabaho kaya ok lang
mas nakakaangat pa rin naman ang kasiyahan
pero minsan, di ko talaga mapigilang malungkot kahit walang dahilan.....
hahahaha
ayun
tama na muna hehehe
<< Home