enero 31....
ang bilis ng panahon....
huling araw na sa buwan ng enero. bukas pebrero na. tapos marso na. tapos huling taon ko na sa kolehiyo. ang bilis.... parang dati hindi ko pa alam kung paano ang magiging buhay ko sa Ateneo. ngayon, malapit ko na ring lisanin ito. hindi ko inasahang magiging ganito ang pakiramdam. napalapit na ako ng husto sa unibersidad lalo na sa campus. maraming alaala ang kasama ng bawat bagay na makikita rito. sa mga puno, halaman, sa mga nagkalat na pusa, ibon, sa mga gusali, sa mga silid, kahit sa mga bato...
ngayong huling araw ng enero, maaga akong dumating at umalis sa unibersidad. kakaiba dahil maaga akong umuwi. kakaiba dahil tila wala akong inaalala.
sa susunod na buwan sana maging mas maayos ang lahat.
sana maging kapana-panabik ng huling taon ko sa kolehiyo
sana maging memorable at learning experience nito.
bakit ko ito isinusulat?
wala lang...
bigla lang ata akong tinamaan ng seniors' syndrome kahit junior pa lang ako....
<< Home