pilosopiya....
masaya ako...
hindi ko talaga inaasahan ang mga nangyari sa klase ko sa pilosopiya
naunawaan ko naman ang mga pinag-usapan sa klase at talagang nakikinig ako dahil alam kong mas matututo ako doon kaysa sa libro
pero sobra ito... hindi ko talaga inaasahan.
kasi noong nakaraang marso 2, biyernes, nagkaroon ako ng isang pagsusulit na pabigkas. napaghandaan ko ang lahat ng mga tesis pero hindi ko talaga alam kung sapat na ang paghahandang iyon. umaga ko lang kasi sinagutan ang 2 sa 4 na tesis.
nang nasa loob na ako ng silid ng aking guro. pinabunot niya ako ng baraha na magsasabi kung alin ang tesis na ipaliliwanag ko. King! ako ang pipili... tesis 7 ang pinili ko. isip ng kaunti... tama ba ito? bahala na...
nagsalita ako... salita lang ng salita... kung ano ang natatandaan ko at kung ano ang nabasa ko kanina... marami akong sinabi na hindi naman bahagi ng "script" na plano ko. nagulat din ako. pero natakot ako. karaniwan kasi tumatango ang propesor ko kapag nagsasalita ako pero nang mga oras na iyon, naktingin lang siya sa akin. blangko ang mukha. feeling ko tuloy mali ang mga sinasabi ko. nang masabi ko na ang lahat ng masasabi ko at nasagot ko na rin ang tanong ng aking propesor, maaari na akong lumabas. bago lumisan, sabi ng aking propesor, "maganda ang naging pambobola mo ngayon ha" hindi ito ang mga elsaltong salita ngunit parang ganyan ang sinabi niya. hindi ko alam kung ito ay totoo o sarkastikong komento lamang niya. paglabas ko nakaramdama ako ng lubos na kaligayahan. alam ko na hindi ito bababa sa 3.00 pero ipinagdarasal ko na 4.00 siya. hehehe
nang tingnan ko kung ano ang grado ko...
isang 4.0 ang nakasulat. yey! yey!
nang sumunod na linggo, nakuha ko naman ang resulta ng pagsusulit na pasulat. natuwa ako ng makita kong 3.5 ang nakuha kong marka... isa pang yey! yey!
hehehe
masaya ako sa nakukuha kong marka sa pilosopiya
kaya lamang mahahatak ito ng mga marka sa maikling pagsusulit.
madalas kasi akong hindi nakapagbabasa kaya hindi ko ito maayos na nasasagot
hehehe
sana B+ pa rin ang final mark ko
good luck sa huling pagsusulit na pabigkas
Kayo na po ang bahala.....