in the silence

Tuesday, August 07, 2007

kamusta naman yan

Nobita: Bakit maski isipin ko na kaya ko gawin ito, di ko pa rin makaya?
Doraemon: Simple lang yan Nobita! Kasi iniisip mo lang, hindi ka naniniwala.

nang mabasa ko ito sa text, tinamaan ako. dun pumasok sa pag-uunawa ko ang katotohanan sa mga sinabi ni doraemon. madalas kasi akong napaptanong kung bakit hindi ko magawa ang maraming bagay na nais ko. marami akong nais baguhin sa sarili ko, para sa ikabubuti ng trabaho ko at ng mga ginagawa ko. ngunit ano man ang subok kong gawin ito, hindi ko pa rin magawa. kaya pala, sa lebel lang kasi ng isip, ng utak umiiral ang pagnanais kong magbago. hindi naman talaga ako naniniwalang magagawa ko ito. kadalasan nga, may bahagi sa aking sarili na lumalayo sa pagbabago. may bahagi sa akin na ayaw sa pagbabago. minsan nga, upang matakpan ang pag-ayaw ko dito, sinasabi ko na lamang na iba kasi ang naging pagpapalaki sa akin. nagdadahilan ako sa sarili ko. nakakatawa iyon ngunit ganoon ang mga nagiging aksyon ko dahil sa maling pag-uunawa sa sarili.

maraming salama sa mga linyang tulad nito, napahihinto ako at napapaisip
minsan, hindi mo iisiping ganito ang maidudulot sa iyo ng mga palabas na mga batang paslit lamang ang nanonood.
nakatutuwa nga naman ang mundo
puno ng sorpresa....