in the silence

Thursday, December 06, 2007

nagaganap na ba ang ikinatatakot ko?

kasabugan
ito ang nararamdaman ko mula pa noong nakaraang linggo
ito ang kinatatakutan ko noong "sembreak"
nang malaman kong gagawa kami ng proyekto, naramdaman ko nang magiging abala ang huling semestreng ito. kaya naman ganoon na lamang ang takot ko. natatakot akong mapagod, natatakot akong mapilitang magpahinga. natatakot akong mawalan ng gana o direksiyon. natatakot ako kasi ang daming maaapektuhan kapag nagkaganito. hindi lamang ang pag-aaral ko kundi maging mga proyekto ko at mga taong kasama ko.
pero sabi ko, kaya ko ito.

medyo maayos naman ang simula ng semestre.
halos araw-araw pagod-pagod. registration week pa nga lang puyat na. pero kaya pa.
ngayon, naiipon na siya. nagkakaroon na ata ng epekto sa akin ang lahat...
unti-unti nang nagaganap ang kinatatakutan ko.
ang sabog ko ngayong mga nakaraang araw.
lagi akong inaantok, bigla-bigla na lang nalulungkot, nahihirapang balansehin ang mga bagay-bagay maging ang sarili...
tapos ang sabog ko sa acads. nahihirapan akong mahalin ang philo ko ngayon at lumilipad ang utak kapag may quiz.
dagdag pa dito ang pagkabagabag na nadarama ko ngayong semestre.
ang dami kong kinukuwestiyon ukol sa paligid ko at sa aking sarili.
karamihan sa mga bagay na parang ok lang sa akin dati, tinutuligsa ko na ngayon
ang mahirap pa, nasa loob ko lamang ang gulong ito
sa palagay ko kasi naipon ang lahat ng isyu ko sa buhay at ngayon, hinihingi na sa aking harapin ang lahat ng ito.
napakaganda nga namang panahon para dito
ngayong huling semestre pa nayayanig ang mga batayang paniniwala ko.
ngayon pa ako nabagabag ng ganito.
sabay itong mabuti at masama para sa akin.
mabuti dahil nabagabag ako at higit ko nang pinagninilayan ang buhay ko
masama nang kaunti dahil hindi ko mapagtuunan ng atensyon ang mga bagay-bagay...
kinakain nito ang oras ko sa pag-iisip at pagdadrama kung minsan....

ayun nga
dumadaan ako sa isang krisis ngayon
natatakot ako sa mga posibleng maganap sa mga susunod na araw
sana lamang talaga ayusin ko na ang sarili ko
ang dami na talagang naaapektuhan
waaaaahhhhhh

nalulungkot
naguguluhan
napapagod
inaantok
natatawa
nangungulila
naghahanap
nalilito

pero sa huli, bakit may rason pa rin ako para ngumiti at maging masaya
kahit papaano....