ang iniisip ko mula pa noong nakaraang linggo....
apat na araw na lamang matatapos na ang buhay kolehiyo ko
apat na araw na lamang, mapapabilang na ako sa maraming Pilipino na walang trabaho
magtatapos na ako, pero hindi pa rin talaga tumatatak sa isip ko
kasi nakaprograma na ang utak kong hindi pa ako tapos
na mag-aaral pa ako ulit at hindi pa talaga ako sasabak sa buhay trabaho,
na hindi pa talaga ako haharap sa sinasabi nilang "tunay na mundo"
muli ko na namang ilalagay ang sarili ko sa komportableng mundo ng buhay mag-aaral
higit mang mahirap ang papasukin ko, hindi pa rin ito ang "tunay na mundo"
gusto kong maging doktora
gustong-gusto ko talaga
pakiramdam ko dito talaga ako tinatawag, na ito talaga ang bokasyong nakalaan para sa akin
pakiramdam ko kasi dito nagtatagpo ang gusto ko at ang tingin ko'y gusto ng Diyos para sa akin
napakalinaw na sa akin ng mga plano ko
pagkatapos ng med school, magtatrabaho ako sa isang pampublikong ospital o kaya naman sa mga probinsya
paglilingkuran ko iyong mga hindi kadalasang nabibigyan ng pagkalinga
hindi ko minimithing yumaman sa pamamagitan ng pagiging doktora
hindi ko kasi maisip ngayon na humihingi ako ng bayad kapalit ng paglilingkod ko
kapag may ibinigay sila ok lang, kung wala ok lang din
isyu ko lamang ay ang pagkukuhanan ng gamit, iniisip ko kasi paano ko sila paglilingkuran kung walang sapat na kagamitan para gawin ito (sa mga pampublikong ospital higit atang limitado ang mga gamit)
sa simula magiging reactive lamang ako pero sa pagtagal nais ko sanang maging proactive
nais kong bumuo ng mga sistemang makakatulong sa komunidad na pinaglilingkuran ko
parang ang ganda ng plano ko ano
hindi man perpekto at medyo malabo at may pagka-ideyal
natutuwa ako at gusto ko talagang maisagawa ito
pero sa paglipas ng mga araw, nagkakaroon ako ng pag-aalangan
nakapasa man kasi ako sa mga medical schools, hindi ko naman tiyak kung paano babayaran ang aking pag-aaral
nakadepende ako sa scholarship na ibibigay sa akin ng paaralang papasukan ko
o kaya sa suportang ibibigay ng ilang indibidwal na sinabihan ko ng aking mga plano
kung hindi ko ito makukuha, malamang hindi ko maituloy ang pag-aaral
maaari kong subukang pag-ipunan ito sa pamamagitan ng pagtatrabaho muna
ngunit hindi ko alam kung magagawa ko ito
sa ngayon, tinitingnan ko pa ang mga opsyon na nasa harap ko
sa totoo lamang, nakahanda akong magtrabaho para mapag-aral ang sarili ko
kung pwede nga lamang ayusin ang mga kukunin kong asignatura upang magawa kong mapagsabay ito
nakahanda akong maglingkod sa paaralang papasukan ko para lamang makapag-aral
napaka-extreme na ng mga naiisip ko pero iniisip ko lamang ang mga posibleng gawin kung sakaling di ko makuha ang minimithi kong scholarship
sa ngayon, naghihintay pa ako
hindi ko tiyak kung ano ang ibibgay sa akin
umaasa na lamang ako
ipinapasaDiyos ko na lamang ang lahat, na gawin niyang posible ang anumang dapat kong gawin
sana talaga makuha ko ang scholarship na iyon
sana talaga...
dear God please....
<< Home