kalungkutan sa panahong di ko inaasahan....
naiiyak na ako. naiinis ako sa sarili ko kasi nakararamdam ako ng pagkabigo.
hindi kasi ganito ang naisip kong mangyayari. hindi ito ang inasahan kong mararamdaman ko.
pagdating ko pa lang, bumalik na ang lahat, tumama ulit sa isip ko na hindi ito ang ideyal na mundong kinalagyan ko ng isang linggo. na ang lahat ay hindi ko maiuuwi sa sarili kong pag-uunawa. na hindi lamang ako ang nakatira dito sa mundo at hindi gagalaw ang lahat batay sa kung ano ang naiisip ko.
nalulungkot lang ako kasi parang may gusto akong mangyari na hindi nangyari. nalulungkot talaga ako.
dear God, bakit po ganun? kapag masaya ako, hindi ko sila maasahang maging masaya para sa akin. kung kailan napaka-high ng nararamdaman ko hindi ko makuha sa kanila yung pagka-high na nararamdaman ko. hindi ko makita sa kanila yung pagiging masaya para sa akin. hindi ba nila nararamdaman yung pagka-inspired ko? naiiyak ako kasi bumalik ako dito with super high hopes pero sa kanila pa lang feeling ko parang walang nangyari sa akin. hindi ko maramdaman yung pagiging bukas nila sa mga kuwento ko. para bang ang tingin nila sa nangyari sa akin isang napakanormal lang na pag-alis. na walang naging epekto sa akin ang lahat. hindi tulad ng iniisip nilang retreat ang retreat na pinuntahan ko. dear God patawad po. naiiyak na talaga ako. hindi ko mahanap yung saya na hinahanap ko sa pagdating ko. para bang nakito ko ang liwanag tapos sa isang iglap balik uli ako sa kadiliman ng mga katotohanang pumapaligid sa akin.
dear God tulungan niyo po ako. gabayan niyo po ako. bigyan niyo po ako ng bukas na mata at puso para maunawaan ang lahat ng ito at magawang gawin ang tama. salamat po...
<< Home