in the silence

Sunday, December 16, 2007

nawala...

kahapon ng hapon, marahil mga ika-5 na yun
namalayan kong nawawala pala ang aking selepono
sinubukan kong alalahanin kung saan ko ito huling nakita
naalala ko sa loob ng banyo, inilapag ko ito sa ibabaw ng shelf
binalikan ko, baka naroon pa iyon
maraming beses ko na kasing naiwan ang seleponong iyon at lagi itong bumabalik
kaya naman hindi ako gaanong nag-aalala
pero nang balikan ko, wala na ito
pero umaasa pa rin akong ibabalik iyon ng sinomang nakakuha
kinausap ko ang mga guards at maintenance ng gusaling kinalalagyan ko
pati yung mga palakad-lakad lang kinausap ko rin
pero nang sinabi nilang isulat ko ang pangalan ko
tumalab na rin sa akin
unti-unti nang pumasok sa sistema ko
wala na nga ang selepono ko
hindi na ito maibabalik sa akin, hindi ko na uli ito makikita
hindi naman talaga malaking kawalan sa akin
ang iniisip ko lamang ay ang mga contact nos. na laman ng seleponong yun
naroon ang lahat ng numero ng mga kakilala ko
lahat ng mga kinakausap ko ukol sa iba't ibang bagay
lahat ng mga katrabaho ko naroon din
nag-alala ako dahil hindi ko na sila makakausap
maraming mga gawain ang maaantala dahil dito
pero wala na akong magagawa
hindi ko na mahahanap pa iyon
nawalan man ako, may isang aral akong napulot
isulat na lahat ng contact nos. ng mga kakilala para kung sakaling mawala ang selepono ok lang

sa ngayon, naghihintay pa ako ng bagong selepono
baka plan na lamang daw ang kunin para sa akin
wala kasi kaming pambili ng bago
hehehe
may bago ngang darating
pero nangungulila pa rin ako sa luma kong selepono
malalim na kasi ang pinagsamahan namin
malayo na ang narating namin ng magkasama
naging kaibigan ko na rin siya
hahaha nakakatawa naman ito...