in the silence

Sunday, March 30, 2008

araw ng pagtatapos....

marso 29, 2008
ito na ang araw ng pagtatapos ko
makukuha ko na ang diploma kong nagpapatunay ng degree na nakuha ko mula sa unibersidad na ito
katatapos pa lamang ng rehearsals namin
maayos naman ang naging daloy
natatawa lamang ako sa itsura ko
akala ko kasi isusuot namin ang toga sa rehearsals kaya nagsuot ako ng palda
yun pala hindi naman kaya ok lang na naka-pantalon
ang malabo pa, naka-plain black shirt ako
ito ang nakapatong sa spag-strap kong top
ang pangit tingnan, nakakatawa talaga
naiilang tuloy akong gumala-gala sa school ngayon
kaya naisipan kong dito na lamang sa computer lab dumeretso
hahahaha

kulang-kulang sa tatlong oras na lamang
magsisimula na kaming magmartsa
hindi ako nalulungkot
nasa isip ko kasing magkiita-kita pa kami ng mga kakilala ko
na hindi pa naman talaga ito ang huling pagkakataong magkakasama kami
hindi rin namana ko natutuwa
kahit papaano nakakaramdam pa rin ako ng regret sa hindi ko pagkakuha ng minimithi kong pagkilala
na naging tamad akong mag-aaral at hindi ko talaga ibinigay ang lahat ng makakaya ko para dito
masaya ako dahil tapos na, pero hindi ako masayang-masaya dahil hindi pa tapos ang lahat
hahahaha parang ang labo ata nun
ang nararamdaman ko ngayon ay kaba
hindi ko alam kung ano ang mangyayari mamaya
magkakamali ba ako?
magmumukha ba akong basahan (hindi kasi ako magpapaayos)?
magiging ok ba ang itsura ko?
ano bang mararamdaman ko mamaya?
hindi ko talaga alam
ang labo, hindi dapat ito ang nararamdaman ko eh
tapos, umaasa pa akong may makita akong mga tao
kahit na may ginagawa sila, ok lang basta sana makita ko sila
kung hindi man, ok lang din

ang labo ko talaga
hahahaha
sige na, mag-aayos na ako at kaakin ng pananghalian
para makapunta na agad ako sa venue at hindi ako mahuli
yey!

congrats sa lahat ng mga nagsipagtapos ngayong marso!