in the silence

Saturday, March 29, 2008

inaamin ko na....

ang labo ng mga tao
kasi naman nung araw pagkatapos mong isulat yun
mukhang ok pa naman, nagtext ka pa nung gabi
pero pagbalik ko matapos ang isang linggo
para bang hindi mo na ako kilala
nalulungkot ako na naiinis sa nangyayari
kasi naman sana hindi mo na lang sinulat yun kung magiging ganyan ka rin naman
nalulungkot ako kasi ilang araw ko na lang nga kayo makikita tsaka ka pa lumalayo
naiinis ako kasi aalis na lamang ako may maiiwan pang hindi ko nakakausap
may panahon pa naman, may isang araw pa na posibleng mangyari ito
pero sana naman walang pag-iwas na nangyayari
kasi nakakagulo ng isip at ang hirap kapain ng sitwasyon
hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip mo kaya hindi ko alam ang gagawin

sabi ng kakilala ko kanina baka daw para makalimot
para daw magmove-on
kasi alam na aalis na ako at maiiwan siya
kaya ngayon pa lang itigil na ang pangangarap
naiintindihan ko naman kung ganito ang dahilan mo
pero sana kung ganito rin lang eh di dapat di mo na sinabi

hahaha ang labo ko talaga
bakit ko ba ginagawang big deal ito
sa totoo lang kasi dati pa akong natutuwa sa'yo
nung pumasok ka palang alam kong may something sa'yo
natutuwa talaga ako sa'yo
pero hindi ibig sabihin nito na gusto kita
natutuwa lang talaga ako
at naiinis ako kasi umiiwas ka
at hindi na kita nakikita
hindi nakikita ang mata mo, yung ngiti mo
sa tuwing makakasalubong kasi kita, sa ibang direksiyon ka nakatingin o kaya walang ngiti sa mukha
parang hindi mo ako kilala
hindi naman kita malapitan kasi baka iba ang isipin mo at magkaproblema pa tayo

ang labo ko
hahaha sasabihin ko na
nami-miss na kita, yung dating ikaw
hahaha inamin din
labo ko talaga
sana hindi maling mensahe ang mabigay ko sa'yo
friends?!

(ang labo ko, pabagu-bago ako ng kinakausap. sino ba talaga ng tinutukoy ko dito? hahaha)