in the silence

Tuesday, April 01, 2008

batch bonding....

kaninang umaga, nagsama-sama ang batch namin
karamihan nagsipagtapos pa pero may iilang mag-aaral pa ng isa o dalawang taon
yung iba ngayon lang namin nakasama ulit, yung iba naman lagi ko nang nakakasama
nakakatuwa kasi nagkasama-sama kami, nakakalungkot kasi ang daming wala
na-miss ko sila
ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkikita
mula nang pormal na matapos ang aming klase noong nakaraang pebrero 29
parang hindi na nagkaroon ng pangangailangang magkita-kita kami
mabuti na lamang at nagkaroon ng ganitong pagkakataon

noong una, dapat sa isang resto kami mag-iinuman
kaya lang nalaman naming wala silang yelo kaya hindi na natuloy
mabuti na lamang, may isang kakilala ang nagsabing maaari kaming magpaumaga sa kanila
sumakay kami ng taxi papunta sa kanila
pagdating doon, marami nang tao
may iba pa na hindi namin ka-batch
pero ok lang, mas marami mas masaya

kuwentuhan, inuman, tawanan
nakakamiss yung mga ganitong pagkakataon
wala kaming inaalala, wala kaming curfew
pwede kaming uminom, pwedeng makinig lang
hindi kami required na gumawa ng kahit ano
maaari kaming maging kami
nakakatuwa na kasama ko sila at magaan ang pakiramdam ko
ito ang pagkakataong marami akong nainom pero hindi ako nalasing
7 shots yun, record yun
pero hindi ako tinamaan
ang dami ko ring narining na kuwento, ang daming kong nalaman
nakilala ko rin ang marami sa kanila
kakaiba palang malasing ang mga tao
iba't ibang mukha, may iba't ibang kuwento

masaya ako kasi pumunta ako
masaya ako kasi hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ito
na makasama sila, kung saka-sakali sa huling pagkakataon
mula dito, hindi na namin alam kung saan na kami dadalhin
hindi na namin tiyak ang bukas
wala pa kaming mga trabaho, hindi pa tiyak ang patutunguhan
pero alam naman namin kung ano ang gusto naming gawin
dahil dun, tila may direksiyon naman kami kahit papaano
natutuwa ako sa batch namin
sana kahit matagal nang hindi nagkikita, manatili pa ring di nagbabago ang ilang bagaay
para magawa pa ulit namin ang mga ganitong pagkakataon
ayun
nung maghiwa-hiwalay kami tila walang pormal na pamamaalam
kahit ako umaaasa pa ring hindi pa ito ang huli
na ilang araw lamang ang lilipas, magkikita-kita ulit kami

hahahaha
sorry medyo senti mode ako
nami-miss ko na sila
pero may bahagi sa aking masaya at umaasa
na bukas lang, makakabangga ko ulit silang lahat