welcome to med school....
kakatawag ko lamang kanina sa asmph, isa sa mga med school na nais kong pasukan
hindi ko kasi alam na ngayon pala ang deadline ng confirmation
eh hindi pa ako nakakapagconfirm dahil pinoproblema ko ang 25K na confirmation fee
dapat hindi na ako tatawag, pero para bang may nagtutulak sa aking gawin ito
sabi ng una kong nakausap, tapos na daw talaga yung confirmation period
pero tinanong ko pa rin yung tungkol sa scholarship
nang sabihin ko yun, nirefer niya ako kay ate jen, siya daw kasi yung nagaasikaso nun
nang makausap ko si ate jen, tinanong niya yung pangalan ko
tapos sinabi niya sa akin na may scholarship daw ako na 100%TF
hindi kasama yung book allowance pero reserved na yung slot ko
sabi nila pwede daw ako pumunta bukas at dalhin yung letter ko
nang marinig ko yun, sobrang saya ko talaga
pagbaba ko pa lang ng telepono naiyak na ako sa sobrang tuwa
at last medyo malinaw na ang kinabukasan ko
matutupad ko na ang pangarap kong maging doktora
pakiramdam ko ito na talaga yung daan na dapat kong tahakin
kahit papaano kasi may mapanghahawakan na ako
sobrang nakakatuwa talaga
medical school, andito na ako
marami pa akong inaaalala pero kakayanin ko ito
gagalingan ko talaga
<< Home