in the silence

Wednesday, April 23, 2008

para sa iyo....

hindi ka mahirap magustuhan
may kakaiba kang katangian na hindi maiwasan
may "charm" ka na mahirap tanggihan
para kang sakit, biglaan kung dumating at talaga namang nakakahawa

marami na akong kakilalang nagkakainteres sa iyo
pero ngayon, sinasabi ko
nauna ako sa kanilang lahat
noong una ko pa lamang makita ang larawan mo
naisip ko nang may kakaiba sa iyo
nang masilayan ko ang mukha mo
naramdaman ko nang may natatanging interes ako sa iyo
alam ko nang magiging bahagi ka na ng buhay ko
di naman ako nagkamali
natatandaan ko pa yung unang beses na nagkasama tayo
nagulat pa ako noong nalaman kong sasama ka pala
ang plano kasi dalawa lamang kaming bibili
pero nagpresenta kang samahan kami
marami akong nalaman tungkol sa iyo
nalaman ko kung saan ka nakatira
hindi man ang tiyak na lokasyon, may ideya ako kung saan banda
tapos nalaman ko rin ang ilang detalye tungkol sa pamilya mo
nasiyahan ako kasi sinabi mo iyon
ipinagkatiwala mo sa akin ang detalyeng iyon
nagpasalamat ako sa tiwala, sa oras, sa pagsama
pagkatapos nuon, sunud-sunod na ang mga pagkakataon
nadagdagan pa ang panahon nating nagkasama
sa trabaho, sa laro, sa kuwentuhan, sa kung anu-ano
hindi man tayo ganoon kalapit
naging mahalagang bahagi ka ng buhay ko
sayang nga lang at hindi ako nabigyan ng panahon
higit na mahabang panahon para makasama ka pa

ang mga alaala mo na lamang ang babaunin ko
sana ako rin bahagi ng alaala mo
sana sa minsang pagbisita ko, napasaya kita
sana sa susunod na dumaan ako
makita kong muli ang mukha mong hindi ko pinagsawaan

salamat ha
ingat ka