in the silence

Wednesday, April 23, 2008

masayang pagbisita

bumalik ulit ako kanina
nakita ko ang mga taong naiwan ko
maliban nga lang sa isa
bahagya akong nainggit sa isa pang kakilala
na malayang nakakapagtext sa iyo
kahit anong oras niya gusto
at sinasagot mo naman

pero hindi man kita nahagilap
masaya ako ngayong araw na ito
kasi nakakuwentuhan ko ang mga tao
muli ko silang nakalaro ng baraha
may mga sari-sarili mang ginagawa ang mga tao
nakapaglaan kami ng panahon para sa isa't isa

maraming salamat po sa Inyo
maraming salamat sa kanila